Angelica Yulo kay Carlos: Humihingi ako ng tawad, nanay lang ako

Angelica Yulo kay Carlos: Humihingi ako ng patawad anak…nanay lang ako

Ervin Santiago - August 07, 2024 - 11:27 AM

Angelica Yulo kay Carlos: Humihingi ako na patawad anak...nanay lang ako

Angelica Yulo

UMIIYAK na humarap si Angelica Yulo, ang nanay ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, sa media upang tapusin na ang mala-teleseryeng kaganapan sa kanilang pamilya.

Kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Raymond Fortun, nagbigay ng mensahe si Angelica bilang tugon sa mga naging rebelasyon ng kanyang anak hinggil sa kanilang hindi pagkakaunawaan.

“Ang aking huling pananalita hinggil sa giriian sa aming pamilya at ng panig ng anak ko, kasama ang GF niyang si Chloe San Jose.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo bibigyan ng condo, P13-M matapos makuha ang ‘gold’ sa Olympics

“Umabot na kasi ito sa nakakaalarmang sitwasyon dahil buong sambayanan ay alam na at nakaabang na sa mga susunod na salita ng bawat isa kung kailan dapat na ang ganitong hindi pagkakaunawaan ay mananatiling pribado at inaayos sa personal na paraan,” simulang pagbabahagi ng nanay ni Carlos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey ni Angelica, wala siyang ibang hangad kundi ang kabutihan ng anak at inaamin niya na may pagkakamali rin siya bilang nanay.

Pagpapatuloy niya, “Hindi ako perpektong ina at alam ng Diyos na hindi ka rin perpektong anak at walang perpektong pamilya. Walang hangad ang isang ina kundi ang ikabubuti ng kanyang anak at sa bawat miyembro ng pamilya.

“Sa paraan ng marahas, maingay sana ay maunawaan mo na ang intensiyon ko ay malinis. Ako ay isang ina na nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko ng maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang.

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo tinalakan ng netizens: Kapal ng mukha!

“Kung mali man ang naging pagpuna ko sa mga ginawa mo ay humihingi ako na patawad dahil nanay lang ako na nag-aalala. Matanda ka na at kaya mo nang magdedisyon para sa sarili mo.

“Bukas ang ating tahanan, may pera ka man o wala, bukas ang pintuan kung nanaisin mong bumalik sa amin.

“Hindi na pwedeng bawiin ang nasabi, ang amin lang handa na ako at ang papa mo na mag-usap tayo na bukas ang loob anumang oras na handa ka pag-uwi mo upang maayos ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi kailangan ng ibang tao na malaman ang mga alitan dahil hindi nila alam ang buong kuwento at hindi nila alam lubos na nauunawaan. Gayunpaman, humihingi ako ng patawad sa iyo at sa sambayanan sa mga nasabi ko interview.

“Pagod at puyat ako sa panonood sa iyo, hindi makatulog sa tuwa kahit tapos na ang iyong laban. Hindi ako nakapag-isip nang mabuti, nirapido ako ng tanong ng mga reporter.

“Patawad anak, naiintindihan ko kung iisipin ng iba na kaya lang ako nagsasalita ngayon ay dahil sa iyong tagumpay at kasaganaan. Ako ay nagsasalita para ilagay na sa katahimikan ang isyu,” sabi pa ni Angelica.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli tuluyan nang bumigay si Angelica at walang humpay na naiyak matapos magpasalamat at batiin ang anak sa tagumpay na nakamit nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending