Carlos Yulo sa ina: Mag-heal kayo, napatawad ko na kayo

Carlos Yulo sa ina: Mag-heal kayo, napatawad ko na kayo a long time ago

Ervin Santiago - August 06, 2024 - 07:10 PM

Carlos Yulo sa ina: Mag-heal kayo, napatawad ko na kayo a long time ago

IPINAGTANGGOL ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose sa kanyang nanay na si Angelica Yulo.

Sinagot ng binata na nakapag-uwi na ng dalawang gold medal sa ginaganap ngayong 2024 Paris Olympics, ang rebelasyon ng kanyang ina na si Chloe ang dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ng ina.

Bukod dito, nilinaw din niya ang kuwento ni Angelica tungkol sa training camp incident sa Japan kung saan in-occupy daw nilang magdyowa ang dormitoryong nakalaan sa kanya, kapatid na si Eldrew at national player na si Miguel Besana.

Hindi raw ito totoo, “Actually, invited po si Chloe ng former coach ko (Munehiro Kugimiya) from Japan. Nu’ng SEA Games pa lang po sa Vietnam, sinabihan kami na invite mo na lang si Chloe sa Japan and du’n kayo mag-hang out.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo sinagot ang ina, laman ng bank account saan daw napunta?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Usually, kapag magti-training camp kami, palaging naka-hotel. And miscommunicated ‘yun na doon pala sila sa akin na mag-i-stay.

“Hindi rin totoo na pagpunta nila du’n nu’ng dalawang bata, dapat wala na si Chloe, kasi sabay-sabay silang pumunta du’n,” sabi ni Carlos.

“Hindi ko alam kung bakit ganu’n yung mga sinasabi niya. At ‘yung sinasabi niya po na nandu’n ‘yung dalawang bata po, ‘yung nakabalandra daw yung puwet (ni Chloe) po, bilang nakakatandang kapatid po, bilang boyfriend ni Chloe po, at bilang ate at kuya po, kami po, aalagaan po namin sila.

“Hindi namin po gagawin yung mga iniisip niya na gano’n ang dumi niya mag-isip at hindi appropriate yun para sa akin at disrespectful yun actually sa akin and kay Chloe po,” sabi pa niya.

Pagpapatuloy pa niya, “Sabi niya pa na feeling niya daw nilalayo ako ni Chloe sa kanila. Unang-una po, months before nun, kasi uuwi ako parang three days mula nu’n, sinabihan ko na sila na mag-sspend time ako kay Chloe.

“Nagpunta kami sa Baguio, sinama ko si Chloe, nag-spend time kami. Nakikipaghalubilo naman po kami, hindi naman ako nilalayo ni Chloe,” dugtong ni Carlos.

“Nagkita po yung mama ko and ‘yung family ni Chloe twice po. And then, yun, nag-uusap po sila,” aniya pa.

At nang hindi na naging maayos ang sitwasyon, sabi naman ni Chloe, “And the last resort, my family made a group chat na kasama everybody involved because my family wanted to address kung ano yung issues ni mama towards me kasi marami na siyang pino-post (sa Facebook).

“Even though my family knew na marami na siyang pino-post, my family still welcomed them, treated them with respect and with no judgment na pinaringgan nila yung side ng mom mo, what she had to say about me and our relationship.

“And then, after the group chat, she left, your mom left. Wala siyang narinig anything from my family,” sabi ni Chloe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Carlos, “May recent interview po kayo na kino-congratulate n’yo po ako. Kung genuine po talaga kayo, maraming-maraming salamat po. Ina-acknowledge ko po yung pagko-congratulate niyo sa akin.

“Nagpa-flashback pa rin po talaga yung masasakit niyong sinabi sa akin. At yung mga hindi niyo pag-wish well sa akin. Tumatatak po yun sa akin talaga. Ang message ko po sa inyo na mag-heal kayo, mag-move on.

“Napatawad ko na kayo a long time ago po. At sana nasa maayos kayong kalagayan diyan lahat. Tigilan na po natin ito at i-celebrate na lang po natin yung mga ginawa po ng paghihirap, pagsasakripisyo ng bawat atletang Pilipino dito sa Olympics,” paliwanag ni Carlos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending