Carlos Yulo sinagot ang ina, laman ng bank account saan napunta?

Carlos Yulo sinagot ang ina, laman ng bank account saan daw napunta?

Ervin Santiago - August 06, 2024 - 07:04 PM

Carlos Yulo sinagot ang ina, laman ng bank account saan daw napunta?

NAGSALITA na ang Olympic gold medalist na si Carlos Yulo hinggil sa umano’y hidwaan nila ng inang si Angelica Yulo.

Sa isang TikTok video, kinumpirma ng  Pinoy athlete na nanalo ng dalawang gold medal para sa men’s gymnastics sa ginaganap na 2024 Paris Olympics, na totoong may isyu sila ng kanyang ina na may konek sa pera.

Habang lumalaban si Carlos sa men’s vault finals kung saan niya nakuha niya ang unang gold medal para sa Pilipinas, ay biglang naglabasan ang isyu sa kanila ng inang si Angelica.

Kabilang na riyan ang problema raw sa pera ng mag-ina at ang paninisi ni Angelica sa girlfriend ng atleta na si Chloe San Jose na siyang punu’t dulo ng isyu sa kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: Hiling ng ama ni Carlos Yulo: Sana pagbalik mo, usap tayo ng mama mo

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nauna nang dinenay ni Angelica na nilustay niya ang pera ni Carlos na naipon nito mula sa kanyang pakikipaglaban bilang atleta.

Ayon kay Carlos, na kasama pa ang dyowa niyang si Chloe sa ginawang TikTok video, may mga incentives siya mula sa 2022 World Artistic Gymnastics Championships ang napunta sa kanyang ina.

“May mga gusto lang po akong i-clarify doon sa mga interviews at mga sagot ng nanay ko po sa mga interviews niya po.

“Unang-una po, 2022 po ‘yun at hindi lang po 70 thousand (pesos) ‘yung na-receive ko po doon. Alam ko six digits po ‘yun dahil dalawa po yung nakuha kong medalya,”  simulang pahayag ni Carlos.

“After nu’n, mga bandang December, umuwi ako sa Pilipinas. Nagkikita kami ng mama ko at hindi niya sa akin sinasabi na na-receive niya na pala ‘yung incentives ko from World Championships.

“Hindi ko pa po malalaman na na-receive niya na pala ‘yung incentives ko from World Championships. Hindi ko pa po malalaman na na-receive niya na po yung incentives ko kung hindi ko pa po hinanap,” pahayag pa ni Carlos.

Rebelasyon pa ng binata, hindi raw niya na-receive ang naturang incentives, “Never ko na po na-receive yung incentives ko po na yun. At never ko na rin naman po na hiningi yun sa kanila.

“Binigay ko na at wala na po yun sa akin. Ang sa akin lang naman, gusto ko malaman kung saan napunta ‘yung incentives ko po na ‘yan.

“‘Yung principle po kasi dito, wala po sa liit o laki ng amount po na incentives po na ginalaw niya, kundi po sa pagtago at paggalaw niya nang wala ko pong consent, yun yung pino-point ko po sa kanya,” paliwanag pa niya.

Pagpapatuloy pa niya, “Lahat po ng bank account ko po, nasa mama ko po. At may mga instances po talaga na si Chloe po yung sumasalo sa akin that time po.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bukod sa incentives po, nasa kanya din kasi ‘yung bank account ko sa monthly allowances sa pag-gymnastics ko.

“Nu’ng nakuha ko na yung bank account ko po na ‘yun, du’n ko po nalaman na (naubos) na po yung laman nu’n. And nasa akin po yung mga bank statement ng withdrawal po na ginagawa niya po,” sey pa ni Carlos.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang pahayag si Angelica sa pagsasalita ng kanyang anak. Bukas ang BANDERA sa magiging official statement ng ina ni Carlos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending