Chloe sinagot ang ina ni Carlos; Angelica ‘wish’ maayos ang isyu

Chloe sinagot ang ina ni Carlos Yulo; Angelica ‘wish’ maayos ang isyu sa anak

Pauline del Rosario - August 05, 2024 - 01:58 PM

Chloe sinagot ang ina ni Carlos Yulo; Angelica ‘wish’ maayos ang isyu sa anak

Chloe San Jose and Carlos Yulo, Angelica Yulo

NAKARATING na sa girlfriend ni Carlos Yulo at Filipino-Australian vlogger na si Chloe Anjeleigh San Jose ang pasabog na rebelasyon ng ina ng Olympic champion na si Angelica Poquiz Yulo.

Sa pamamagitan ng Facebook, shinare mismo ni Chloe ang naging exclusive interview ng  Bombo Radyo at nagpahayag ng kanyang reaksyon.

“Mother dear I’m gonna hold your hand when i say this…pero wait ka lang, tapusin lang po namin yung vault finals–paki-on na your comment section po ah, ‘di yung nag dedelete ka pa + off com sec,” sey niya sa post.

Bukod diyan ay tila ibinandera pa niya ang kanyang pang-aasar umano dahil ginaya niya ang caption sa viral post ni Angelica.

“Japan pa din talaga..lakas! but malakas din naman si Carlos Edriel Yulo, GOD IS WITH HIM [emoji],” caption ni Chloe.

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

Chloe sinagot ang ina ni Carlos Yulo; Angelica ‘wish’ maayos ang isyu sa anak

PHOTO: Screengrab from Facebook/Chloe Anjeleigh San Jose

Magugunitang biglang pumutok ang isyu sa mag-ina dahil nag-post si Angelica na mas pinapaboran niya ang panlaban ng Japan kaysa sa sarili niyang anak.

Dahil diyan ay nag-trending ito sa social media at maraming netizens ang nanggigil.

Samantala, may latest post naman ang ina ni Carlos na ayon sa kanya ay inaayos na ng kanilang pamilya ang isyu.

“Alam ko may mga pagkakamali ako pero inaayos na naming magpapamilya ang Issue,” sey niya sa bagong FB post.

Nabanggit din niya na ite-turn off na muna niya ang comments section ng kanyang account upang maiwasang mapakielamanan ang pribado nilang buhay.

Sambit pa niya, “Umaasa ako na sooner or later magiging OK din ang lahat on all of us. Thank you!”

Bukod diyan, ibinunyag rin ni Angelica na may mga blinock na siya sa Facebook.

Chloe sinagot ang ina ni Carlos Yulo; Angelica ‘wish’ maayos ang isyu sa anak

PHOTO: Screengrab from Facebook/Angelica Poquiz Yulo

Sa nasabing exclusive interview, sinabi ni Angelica na si Chloe ang nagbibigay ng tensiyon sa kanilang pamilya.

“Ang naging mitsa, ever since ay ‘yung babae talaga,” pahayag ni Angelica.

Isa pang isyu na inilantad ni Angelica ay ang tungkol sa dormitoryo ni Carlos sa Japan kung saan dapat kasama nito ang kapatid na si Eldrew at ang kanyang kasamahan sa koponan habang sila’y nagsasanay.

Ang naturang dormitoryo, na pinondohan umano ng Philippine Sports Commission, ay ginagamit din daw ng dyowa ni Carlos kaya na-bad trip ang mga magulang ng atleta.

Aniya pa, feeling nila ay sinasadya na ni Chloe na ilayo sa kanila si Carlos, “Okay lang, then noong nagkita, feeling ko inilalayo niya sa amin si Caloy.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mariin din niyang itinanggi ang chika na ninakaw nila ang pera ni Carlos pero totoong nagamit nila ang bahagi ng savings ng kanyang anak para sa pag-aayos ng kanilang bahay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending