Pacquiao magbibigay ng P5M para sa unang Pinoy Olympic gold medalist | Bandera

Pacquiao magbibigay ng P5M para sa unang Pinoy Olympic gold medalist

Mike Lee - July 04, 2015 - 12:00 PM

NANGAKO si Pambansang Kamao at Sarangani Province Rep. Manny Pacquiao na magbibigay ng P5 milyong insentibo para sa atletang magbibigay ng kauna-unahang gintong medalya sa 2016 Rio Olympics.

Ang Pilipinas ay sumasali sa pinakaprestihiyosong kompetisyon sa mundo mula itinatag ito noong 1924 at ang pambansang atleta ay nakakubra lamang ng dalawang pilak na naihatid nina Anthony Villanueva noong 1964 Tokyo Olympics at Mansueto Velasco noong 1996 Atlanta Games.

“Kahit sa anong sport, basta maka-gold sa Olympics, P5 milyon ang ibibigay ko,” wika ni Pacman nang nakapanayam kahapon sa Philsports Arena matapos ipagkaloob kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia ang dalawang naglalakihang poster na pirmado niya para ilagay sa PSC Museum.

Ang sinumang atleta na mananalo ng gintong medalya ay tatanggap ng P5 milyon insentibo base sa Incentives Act at ang dagdag na gantimpala mula kay Pacquiao ay makakatulong para mas magpursigi ang isang atleta na manalo sa Olympics.

Sa ngayon ay isang atleta pa lamang ang nakatiyak ng puwesto sa Rio Games at ito ay si Fil-Am Eric Cray sa 400m hurdles sa athletics.

Pinasalamatan naman ni Garcia ang suporta ni Pacquiao lalo pa’t kailangang-kailangan ngayon ng mundo ng palakasan ng tulong para mapunuan ang mga problema sa pangunguna ng kakulangan ng pondo.

Kasabay na aktibidades sa Philsports ay ang Sports For All Conference na kung saan ang mga banyagang eksperto sa Sports Science na sina Terry Rowles, Scott Kember Lynn at Wilber Wu ang mga guest speakers at dinaluhan ng halos 300 katao.

Ipinakita ni Pacquiao ang pagiging mapagbigay nang bago nagtapos ang programa ay bumunot siya ng P100,000 at ipina-raffle sa 10 mapalad na nakiisa sa conference.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending