Alex umaming may trauma na sa cake, nakiusap kay Angeline nang imbitahin sa 1st birthday ni Baby Sylvio: ‘Sana gelatin o gulaman na lang ang dessert’
MATINDING “trauma” ang naging epekto sa actress-TV host na si Alex Gonzaga ng kontrobersyang kinasangkutan niya ilang buwan na ngayon ang nakararaan.
Sino nga ba ang makakalimot sa pagpapahid niya ng cake sa isang food server noong nag-celebrate siya ng kanyang birthday nito lamang nagdaang January.
Napakarami raw realizations ni Alex matapos mangyari ang nasabing insidente kung saan talagang binanatan at kinuyog siya ng madlang pipol, kabilang na riyan ang grupo ng mga waiter.
Ayon sa actress-vlogger, totoong na-trauma na siya pagkatapos ma-bash at manega nang bonggang-bongga. At kahit pa nga nag-sorry na siya sa waiter na nag-serve sa birthday salubong niya ay hindi pa rin siya tinantanan ng mga netizens.
View this post on Instagram
Kapag nakakakita raw siya ng cake ay muling nabubuhay sa isipan niya ang nangyari at talagang ipinaaalala sa kanya ang life lessons na dapat niyang matutunan mula sa nasabing karanasan.
Nakachikahan sandali ng ilang miyembro ng showbiz press si Alex sa Parade of Stars ng Summer Metro Manila Film Festival kasama sina Aljur Abrenica at Angeline Quinto para sa entry nilang “Single Bells”.
Baka Bet Mo: Trauma ni Paul Salas sa pakikipagrelasyon ‘pinagaling’ ni Mikee Quintos: ‘Sobra po kasi akong seloso’
Kuwento ng sisteraka ni Toni Gonzaga, talagang nag-request daw siya kay Angeline nang imbitahan siya sa 1st birthday ng anak nitong si Baby Sylvio na baka puwedeng bilo-bilo o gelatin na lang ang ihanda kesa cake para makagora siya. Natawa naman si Angeline sa hirit ni Alex.
“Sabi nga niya, basta walang cake,” sey ni Angeline na sinegundahan ni Alex ng “Dapat gelatin o gulaman na lang ang ino-offer na desserts, ganu’n.”
Dagdag pang chika ng TV host-actress, isa pa sa natutunan niya nang bonggang-bongga after ng nangyari ay huwag na huwag nang magpapakalasing.
“Huwag na tayong uminom! First birthday party ko na sabi ko iinom ako. Pero we have to really, yung mga times na sobrang saya mo, we should be really careful pa rin, kahit na it’s your safe place.
View this post on Instagram
“Puwede pa rin na meron kang ma-hurt at may magawa na hindi naman talaga ginustong gawin at di mo intention na gawin,” dagdag na chika pa ni Alex.
Seryosong pahayag pa ng content creator, “It’s really a wake-up call for me to mature, and grow and think kung anong pwedeng mangyari sa paligid ko na kung ano mang pwedeng maramdaman sa paligid ko na pwede may ma-hurt, pwedeng may masaktan na hindi mo intensyon. You really have to be careful.”
Sa lahat naman ng nagtanggol sa kanya noong kasagsagan ng “pambubugbog” sa kanya ng bashers, “Nagpapasalamat ako. “Kasi noong time na ‘yun, hindi muna ako nagbabasa ng social media.
“Pero ‘yung kasama namin sa pelikula na si Papa Jackson, narinig ko na pinagtanggol ako. ‘Yung mga taong hindi ko talaga friends pero they stood up for me, I’m really thankful for them,” aniya.
“Ito ‘yung mga moments na hindi mo makakalimutan ever kasi nakita mo ‘yung mga tao na sasama at tatayo para sa’yo kahit ganito pa rin ang nangyari,” dugtong ni Alex.
Janella Salvador na-trauma sa ex-boyfriend: Kapag mga lalaki tapos lasing…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.