Trauma ni Paul Salas sa pakikipagrelasyon 'pinagaling' ni Mikee Quintos: 'Sobra po kasi akong seloso' | Bandera

Trauma ni Paul Salas sa pakikipagrelasyon ‘pinagaling’ ni Mikee Quintos: ‘Sobra po kasi akong seloso’

Ervin Santiago |March 27,2023
facebook
share this

Trauma ni Paul Salas sa pakikipagrelasyon ‘pinagaling’ ni Mikee Quintos: ‘Sobra po kasi akong seloso’

Ervin Santiago - March 27, 2023 - 07:10 AM

Trauma ni Paul Salas sa pakikipagrelasyon 'pinagaling' ni Mikee Quintos: 'Sobra po kasi akong seloso'

Paul Salas at Mikee Quintos

UNTI-UNTING napaglabanan ng Kapuso hunk actor na si Paul Salas ang kanyang trauma pagdating sa usapin ng lovelife at pakikipagrelasyon.

Ibinandera ni Paul sa publiko na napakalaki ng naitulong ng kanyang reel and real life partner na si Mikee Quintos para maibalik ang kanyang paniniwala sa mga salitang “love” at “trust.”

Sa panayam kay Paul ng “Fast Talk with Boy Abunda” recently, naibahagi nga niya kung paano siya natulungan ng kanyang girlfriend na na ma-overcome ang kanyang trauma sa pakikipagrelasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


Inamin ng binata kay Tito Boy na  matagal na siyang may issue sa pagpasok sa isang seryosong commitment dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

Ngunit nang makilala nga niya si Mikee ay nagbago na raw ang pananaw niya sa love at unti-unti ngang nawala ang fear factor niya sa pagpasok uli sa isang serious relationship.

“So noong time po na pumapasok si Mikee sa buhay ko, ito ‘yung time na masasabi kong doon ko siya ni-love dahil sa understanding niya sa akin, sa patience niya sa akin.

Baka Bet Mo: Janella Salvador na-trauma sa ex-boyfriend: Kapag mga lalaki tapos lasing…

“Dahil ‘yung past traumas ko po, alam kong hindi nag-work si dad and mom, love ko sila both, alam kong kahit may konting bias ako noong time na ‘yun noong bata pa ako, ngayon alam kong both silang nagkamali doon kung ano man ‘yung naging sitwasyon na ‘yun,” lahad ni Paul.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


Aniya pa, “So dumaan po sa akin ‘yung trauma na, kapag iniiwan ng ka-relationship like sa girlfriend and all, so hindi ko po alam ‘yun hanggang sa nakilala ko si Mikee at parang siya pa ‘yung nakakakita nu’n sa akin,” paliwanag pa niya.

Natanong din siya ni Tito Boy kung paano niya hinarap ang challenge na kanyang pinagdaanan noong magkarelasyon pa sila ni Barbie Imperial.

“Kaya rin po Tito Boy naging toxic dahil meron po ako sa sarili kong, nandoon na ‘yung trust issues ko, nandoon na ‘yung tamang hinala ko.

“Aminado po ako sa sarili ko, sobra pa ako sa seloso. Kasi feeling ko kaunting time lang na may makausap lang na ibang lalaking kaibigan ‘yung nagiging karelasyon ko, feeling ko lolokohin na ako,” pag-amin niya.

At nang kumustahin na ng King of Talk ang lagay ng kanyang puso ngayon, “I’m okay now.”

In fairness, very open na ngayon sina Paul at Mikee sa kanilang relasyon, as in talagang game na game silang sumagot about their love story kaya naman mas naa-appreciate ay mas hinahangaan pa sila ng mga fans.

Napapanood ngayon sina Paul at Mikee sa GMA Primetime series na “The Write One” kasama ang kapwa Kapuso celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Angeline handa nang mag-asawa: Para may kasama na rin ako sa pagbabayad ng bills!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxene ginagamit na ‘gamot’ ang buwan at mga bituin kapag inaatake ng mental health problems; bumabalik ang trauma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending