Angeline handa nang mag-asawa: Para may kasama na rin ako sa pagbabayad ng bills! | Bandera

Angeline handa nang mag-asawa: Para may kasama na rin ako sa pagbabayad ng bills!

Ervin Santiago |August 24,2021
facebook
share this

Angeline handa nang mag-asawa: Para may kasama na rin ako sa pagbabayad ng bills!

Ervin Santiago - August 24, 2021 - 08:51 AM

Erik Santos at Angeline Quinto

KUNG siya lang daw ang masusunod, gusto na ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto na magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Feeling ng biriterang singer, ready na siyang mag-level up pagdating sa pakikipagrelasyon matapos makaranas ng ilang pagkabigo sa pag-ibig.

Sa huling panayam namin kay Angeline, sinabi niyang single pa rin siya at patuloy na umaasa na darating din ang tamang lalaki para sa kanya at makakasama na niya sa habangbuhay.

Sa bagong YouTube vlog ni Kim Chiu titled “Lie Detector Gone Wrong with Angeline Quinto!” sinagot ng isa sa mga Kapamilya Birit Queens ang mga tanong tungkol sa usaping love and relationships.

Inamin ng dalaga na hindi siya fan ng “second chances” pagdating sa pakikipagrelasyon. Para sa kanya kapag tapos na, the end na.

“Hindi, kasi never ko naman naranasan na makipagbalikan sa ex. Lalo na kapag hindi naman maganda yung pinagtapusan,” ani Angeline.

Pero sinabi niya na handa na siya ngayong mag-asawa, “Oo. Kasi before naman nung nandito pa ang mama Bob, yun talaga yung gusto niya. Yun nga yung isang wish ng mama ko sa akin na hindi ko naibigay habang nandito siya dati.

“Kaya nu’ng nawala ang mama parang ako gusto ko naman talaga. Para may kasama na rin ako sa pagbabayad ng bills. Ha-hahaha! Yun pala yung concern,” tawa nang tawang chika ng singer.

Ang tinutukoy ni Angeline na Mama Bob ay ang kanyang adoptive mother na si Sylvia Quinto na pumanaw noong November, 2020 dahil sa massive stroke.

Sa tanong kung anu-ano bang physical qualities ang hinahanap niya sa lalaki, “Yung medyo mas matangkad pero hindi yung katangkaran ng sobra. 

“Kung hindi ko ka-height, baka puwedeng matangkad sa akin ng kaunti lang. Kasi 5’1” ako eh pag walang sapatos. Siguro yung lalake gusto ko mga 5’4”-5’5”. Moreno.

“Meron kasing mga lalake na ang kilay parang pambabae, di ba? Ang gusto ko naman yung makapal pero meron kasing lalake na sobrang haba nung buhok ng kilay parang umaabot na sa mata. Di ba may ganun? 

“Yung parang gusto mong gupitin lang. Trim nga natin yan. Yung tatay ko may ganun dati. Siguro yung makapal yung kilay tapos gusto ko pantay yung kilay. Ha-hahaha! Feeling ko it’s cool,” pahayag pa ni Angeline.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, marami naman ang nagkomento na sana’y sila na lang daw ni Erik Santos ang magkatuluyan dahil bagay na bagay daw sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending