Janella Salvador na-trauma sa ex-boyfriend: Kapag mga lalaki tapos lasing... | Bandera

Janella Salvador na-trauma sa ex-boyfriend: Kapag mga lalaki tapos lasing…

Reggee Bonoan, Therese Arceo |February 03,2022
facebook
share this

Janella Salvador na-trauma sa ex-boyfriend: Kapag mga lalaki tapos lasing…

Reggee Bonoan, Therese Arceo - February 03, 2022 - 05:59 PM

Janella Salvador na-trauma sa ex-boyfriend: Kapag mga lalaki tapos lasing...

INAMIN ng Kapamilya actress na si Janella Salvador na nagkaroon siya ng trauma sa dati niyang nakarelasyon.

Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz ay napag-usapan nila ang naging dulot sa kanya ng nagdaang relasyon.

“May trauma siyang nadulot sa akin. Na-forgive ko naman na. Ako, as a person, mabilis akong mag-forgive. Hindi ako nagho-hold ng grudges kasi ako, gusto ko peaceful tayo, okay. Sige,” paglalahad ni Janella.

Pinili naman ng aktres na huwag nang pangalanan pa ang dating karelasyon na naging sanhi ng kanyang trauma dahil napatawad na raw niya ito.

“Pero closure, hindi kami nagkaroon ng closure. I just chose to… okay na. Let go ko na,” dagdag pa niya.

Amin ni Janella, hindi ang pisikal na pananakit sa kanya ng ex-dyowa ang nag-cause ng trauma.

“Actually ang naging trauma sa akin hindi ‘yung physical part e. Actually, I’ve never talked about this. I won’t go into detail na lang pero ‘yung part na na-trauma ako, for some reason is being around drunk people, drunk men. ‘Yun ang naging trauma ko. Kapag lalaki tapos lasing tapos wala sa sarili, doon ako na-trauma,” kuwento ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)

Chika pa niya, aware naman daw ang kanyang current dyowa at ama ng kanyang anak tungkol sa kanyang pinagdaraanan.

Natawa naman si Janella nang tanungin siya kung umiiwas na bang uminom si Markus lalo na’t aware ito sa kanyang trauma.

“We’re working on it. Pero ayun, syempre he’s younger. Hindi niya maiwasan na gusto niya mag-enjoy minsan. Hindi rin naman niya kasalanan na may trauma ako pero we’re trying to work on it,” sey ng aktres.

Ano naman ang nagiging partisipasyon ni Janella kapag si Marcus ay umiinom?

“Siguro ano, I used to have this mindset when I was younger siguro hindi lang ako ito maraming makaka-relate na parang, ‘aayusin kita.  I’ll help you to fix yourself ganu’n.

“Pero no matter kasi how much you try to fix someone kung ayaw nilang tulungan ang sarili nila, wala.  Ikaw lang ‘yung madi-drain nang madi-drain, ikaw lang ‘yung mapapagod, so, hahayaan ko na lang.

“As long as alam niya ‘yung nararamdaman ko.  I just express kung ano ‘yung napi feel ko about a certain thing, kunwari ito ‘yung ginagawa mo and I feel this way, I tell him.

“Siya na bahala kung babaguhin niya ‘yun or hindi, my patience can get finish din, so, if you don’t try and be a better person then ‘yun na.  ‘Yun na ‘yung ultimatum ko,”paliwanag ng aktres.

Dagdag pa, “lagi kong sinasabi na wala namang problema kung uminom ka basta alam mo lang ‘yung boundaries mo, ‘yung limit mo.  Alamin mo lang ‘yung limit mop ag feeling mo.  Pag feeling mo hindi mo na kaya, ‘wag kang uminom.  I guess that’s his (Markus) struggle in life, struggle niya sa buhay ha, ha, ha.  Pero now, I think he’s trying na talaga. And I know he wants to grow and mature na rin, feeling ko na-inspire siya kay Jude.”

Sa tanong ni Ogie kung hindi niya susukuan si Markus, “I will try my best to be by his side as much as possible, pero I love myself hindi ako magpapaka-martyr.  Pero alam niya ‘yun mahal ko siya pero hindi ako magpapaka-martyr siyempre.

“And I can see naman na he’s inspired, he’s a good person he has a good heart, don’t get me wrong siyempre meron pa siyang ima-mature.”

Inamin din ng aktres na simula nu’ng naging ina siya ni Baby Jude ay humaba na ang pasensya niya na rati ay nararamdaman lang niya ang iniisip niya pero ngayon, “I can see the bigger picture na.”

Magkasama sa iisang bahay sina Janella at Marcus at pareho silang hands-on sa pag-aalaga sa kanilang anak na kapag may work ang aktres ay naiiwan ang aktor pero iisa lang ang hindi nito kayang gawin, ang magpalit ng diaper dahil nasusuka-suka.

Magkasundo at very close sina Markus at nanay ng aktres na si Janine Desiderio dahil mabait at funny ang tatay ni Jude kaya okay sila. Hindi pa nila napag-usapan ang kasal dahil mas priority nila ang anak.

Nang tanungin naman kung may chance na magpakasal na sila ni Markus ay mukhang wala pa ito sa kanilang plano.

“Parang wag na muna, matagal tagal pa ‘yun. Hindi pa namin iniisip,” saad ni Janella.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Janella sa naintrigang friendship nila ni Julia: Hindi na kami nag-uusap ngayon…
Janella na-in love sa backstory ni Valentina: Sabi ko talaga, kailangan ko itong makuha!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending