Janella sa naintrigang friendship nila ni Julia: Hindi na kami nag-uusap ngayon... | Bandera

Janella sa naintrigang friendship nila ni Julia: Hindi na kami nag-uusap ngayon…

Ervin Santiago |September 28,2021
facebook
share this

Janella sa naintrigang friendship nila ni Julia: Hindi na kami nag-uusap ngayon…

Ervin Santiago - September 28, 2021 - 12:32 PM

Joshua Garcia, Julia Barretto at Janella Salvador

NAGPAKATOTOO ang Kapamilya actress na si Janella Salvador tungkol sa tunay na estado ng pagkakaibigan nila ni Julia Barretto.

Dating close ang dalawang aktres dahil halos sabay silang nagsimula sa mundo ng showbiz at naging batchmates pa nga sa Star Magic.

Ngunit nagbago ang takbo ng friendship nina Janella at Julia last year nang masangkot sila sa kontrobersya kung saan involved din ang young actor na si Joshua Garcia.

Ayon kay Janella, totoong hindi sila nag-uusap ngayon ni Julia pero nag-try daw ang girlfriend ni Gerald Anderson na ma-open muli ang communication sa pagitan nila noong nabuntis siya.

Nagkuwento ang celebrity mom hinggil dito sa “Drink or Spill” vlog ng kambal na sina Joj at Jai Agpangan. Dito, natanong nga sa kanya kung kumusta na sila ni Julia.

Shocked na sagot Janella, “Ha?! May gano’n?!”

“Para clear sa mga tao,” sey ni Jai.

“Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon. There was an issue before, na hindi ko na sasabihin kung ano, alam niyo na ‘yun,” tugon ni Janella.

Ang paniwala ng netizens, maaaring isa sa mga issue na tinutukoy ni Janella ay ang pag-unfollow ni Julia sa kanyang social media accounts noong January, 2020, pati na sa IG ng ka-loveteam at former boyfriend na si Joshua Garcia.

Matapos maghiwalay sina Julia at Joshua, itinambal nga ang aktor kay Janella sa Kapamilya series na “The Killer Bride” na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Pagpapatuloy na kuwento ni Janella, “Nag-reach out siya (Julia) noong nalaman niya na buntis ako. Sinendan niya ako ng balloons, tapos nag-thank you ako.

“Pero hindi na nag-progress ‘yung friendship namin from there,” sey pa ng first-time mom at partner ni Markus Paterson.

Bukas naman daw si Janella sa posibilidad na magbalik ang dating friendship nila ni Julia at naniniwala siya na mangyayari ito kung talagang nakatadhana.

“Pero open naman ako in the future, if ever we cross paths again. Why not? But right now, hindi kami pa nag-uusap,” pahayag pa niya.

Samantala, isa pa sa mga naitanong sa kanya sa “Drink or Spill” game ay kung sino pa ang gusto niyang makatambal sa mga susunod niyang projects.

“Actually wala pa akong naiisip na hindi ko pa nakaka-work na ka-loveteam na gusto ko maka-loveteam. Kahit sino naman, open ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero, honestly, sa lahat ng naging ka-loveteam ko, best na nakatrabaho ko si Joshua Garcia. Masaya katrabaho si Joshua. He’s super professional, at ang galing niya talaga. Ramdam mo siya sa bawat eksena,” sabi ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending