Janella na-in love sa backstory ni Valentina: Sabi ko talaga, kailangan ko itong makuha! Bandera

Janella na-in love sa backstory ni Valentina: Sabi ko talaga, kailangan ko itong makuha!

Reggee Bonoan |February 03,2022
share this

Janella na-in love sa backstory ni Valentina: Sabi ko talaga, kailangan ko itong makuha!

Reggee Bonoan February 03, 2022 - 08:46 AM

Janella Salvador at Jane de Leon

SA unang pagkakataon ay nagkuwento na si Janella Salvador kung paano siya napili bilang Valentina sa bagong TV version ng “Darna” na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Matatandaang Nob. 23, 2021 inanunsyo ng ABS-CBN na si Janella na ang napili sa nasabing role na ayon sa direktor na si Chito Roño ay kakaibang Valentina ang gagawin niya para sa “Darna” mula sa JRB Creative Productions.

Banggit noon ng batikang direktor sa isang panayam, “We’re modernizing Valentina. Totally kakaiba sa dating Valentina. I haven’t really seen her (Janella) that much except for when she auditioned and I was kinda impressed.

“Hindi ako na-disappoint sa audition niya. I think she would do justice to the character of Valentina. Janella would not only be capable but also interesting to do that different kind of character,” sabi ng direktor.

Abut-abot naman ang pasasalamat ni Janella nang hingan siya ng reaksyon sa pagkakapili sa kanya bilang kontrabida ni Darna pero wala siyang nakuwento kung paano siya napili.

Sa panayam ng aktres sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na in-upload kagabi ay naikuwento nito kung paano siya napiling Valentina.

“Hindi ko rin alam kung bakit ako ‘yung nakuha pero when they made me read for Valentina, yes they made me read the script for Valentina and a little audition in front of direk Chito pero via zoom lang.

“Nabasa ko ‘yung script, nabasa ko ‘yung backstory ni Valentina sabi ko, ‘ay kailangan ko itong makuha.’  So, talagang I made sure na makukuha ko siya!

“This is the big break I’m waiting after I gave birth, ito ‘yun. Kasi naghintay din ako no’n ‘kailan kaya ako magtatrabaho ulit?’

“Hindi naman ako na-depress or whatever but I was praying about it.  I was hoping that I get another big break after giving birth kasi nga may stigma dito when you give birth.

“So, nu’ng binabasa ko sabi ko ‘ito na ‘yun!’ Nakaramdam ako ng kaba at the same time parang may butterfly sa loob ng tiyan ko na alam ko ito na ‘yung para sa akin.

“And true enough after I read for the audition after a week after, ayun!  Parang wala lang ‘yung pagkasabi sa akin sabi, ‘kelan free si Janella for storycon?’” aniya pa.

At tinanong nito kung siya ang napili, ‘Ah, nakuha ko na ba yung role?’ (sinagot siya) ‘oo.’ Wala man lang silang ‘uy congrats nakuha mon a, wala.’  Pero ayun ang saya ko na nakuha ko nga ‘yung role.”

Balik-tanong ni Ogie kung anong preparations ang ginawa ng aktres, “Actually, hindi siya preparation.  There’s a little story na meron kasi akong dalawang alagang snake ngayon (nagulat si Ogie), yeah. If you haven’t seen, meron akong (picture) sa Instagram ko. Meron akong dalawang snake sa bahay, mga anak ko ‘yun,” nakangiting kuwento ni Janella.

Nakakunot noong tanong ng talent manager/content creator, “Tapos?”

“The funny story behind it is hindi ko siya kinuha dahil Valentina ako or dahil sa role ko but ever since I wanted to take care of different animals. I had a bird before, nagkaroon ako ng chicken, nagkaroon ako ng hamsters.

“Sabi ko, if I get this role this Valentina role, itutuloy ko na kukuha na ako ng snake. Sakto, ‘yung friend ni Markus (Paterson) si Mike, binebenta niya ‘yung isa niyang snake, so, sabi ko, ‘if I got the role bibilhin ko ‘yan sa ‘yo.’ So, I got the role and I got the snake,” sabi ng aktres.

At mukhang naramdaman rin yata ng aktres na siya ang gaganap na Valentina dahil kaagad siyang nagbawas ng timbang. Sabi nga ni Ogie, bumalik na ang kanyang kaseksihan.

Tanong ng vlogger/talent manager, “Paano mo na-convince ang sarili mo na ipakita habang ikaw ay nila-lipo (suction) o ia-announce ko na ‘ako’y magpapapayat talaga?”

“Nu’ng una kasi it wasn’t really the plan. Hindi ko inisip na magpapa-lipo ako, pero parang dumating din ‘yung time na sabi ko na parang kailangan ko na ring mag-work. 

“Kasi parang masyado ko ring in-enjoy ‘yung pagiging mom. Siguro ‘yung iba hindi nila kinakaya at nade-depress sila nan aa bahay lang. Yung iba kasi nagkakaoon ng postpartum depression, ako hindi kasi ako nagkaroon ng postpartum.

“I really enjoyed the process like being at home taking care of Jude ganu’n tapos na-realize ko na parang kailangan ko na nga talagang mag-work, so, sabi ko kay tita Gidged (handler niya) ready na akong mag work pero, my body wasn’t ready yet. 

“I gained ang dami ko kasing kinain, so, I gained so much weight when I was pregnant,” mahabang kuwento ni Janella.


Noong hindi pa buntis ang aktres ay nasa 125 pounds na siya at nang mabuntis ay umabot sa 165. At kinailangan na niyang humingi ng tulong kay Dra. Vicki Belo at ang payo ay magpa-lipo siya na noong una ay takot si Janella dahil nga idadaan ito sa operasyon.

“Nakakatakot, pero she (Dra. Belo) able to convince me naman na parang ‘it safe.  We do it well naman sa Belo anf in-assure naman niya ako na it’s gonna be okay and worth it,” balik-tanaw ng aktres.

Janella Salvador gaganap bilang Valentina sa ‘Darna’ series

Ariella nag-audition daw sa ‘Darna’ bilang Valentina: My God! Sana nga po, ipagdasal po natin!

Brenda Mage kasama sa ‘Darna’ pero pinili ang PBB: Ako sana si Valentina, pero tinanggihan ko! Charot!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending