MAY tampuhan nga kaya sa pagitan nina Unkabogable Star Vice Ganda at ng bagong direktor ng “FPJ’s Ang Probinsyano” John Prats?
Ito ang usap-usapan ng mga “Marites” sa social media matapos malamang naka-unfollow ang dalawa sa isa’t isa sa Instagram.
Ayon kay Ogie Diaz, may nabasa raw siyang comment mula sa isang netizen na nagtatanong kung bakit nagka-unfollowan sina John Prats at Vice Ganda.
“May nagsabi naman sa akin na parang nagtatampo raw si Vice kay John Prats dahil all along, they thought na si John Prats na ‘yung magdidirek ng It’s Showtime, e napunta siya sa Ang Probinsyano,” pagbabahagi ng talent manager.
“So parang pinili ni John Prats ‘yung Ang Probinsyano over It’s Showtime?” singit naman ni Mama Loi.
“Oo, ganon,” sey pa ni Ogie.
Ngunit wala pa namang kumpirmasyon mula kina Vice Ganda o John Prats kung totoo nga ba ang chikang ito.
Napatanong tuloy si Ogie kung bakit nagiging big deal na ngayon kung naka-follow or unfollow ang mga artista sa isa’t isa.
Sagot naman ni Mama Loi, nagiging basehan na raw kasi ito ng estado ng relasyon ng artista sa kapwa artista.
View this post on Instagram
Matatandaang si John Prats dapat ang magigng regular director ng noontime show na “It’s Showtime” pero kasabay nito ay ang kanyang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Pansamantala itong nawala sa “It’s Showtime” nang nagkaroon ng lock-in taping ang “FPJ’s Ang Probinsyano” hanggang sa nitong Nobyembre nga nang tuluyang ianunsyo ng Dreamscape na si John Prats na nga ang panibagong direktor ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na makakasama ni Coco Martin.
Bukas naman ang BANDERA sakaling naisin nina John Prats o Vice Ganda na linawin ang chika na nagkakatampuhan sila.
Related Chika:
John Prats direktor na sa ‘Ang Probinsyano’; di na tutuloy sa ‘It’s Showtime’?
John Prats huling lock-in taping na para sa ‘Probinsyano’, iiwan na nga ba si Coco?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.