John Prats huling lock-in taping na para sa 'Probinsyano', iiwan na nga ba si Coco? | Bandera

John Prats huling lock-in taping na para sa ‘Probinsyano’, iiwan na nga ba si Coco?

Reggee Bonoan |August 16,2021
facebook
share this

John Prats huling lock-in taping na para sa ‘Probinsyano’, iiwan na nga ba si Coco?

Reggee Bonoan - August 16, 2021 - 02:54 PM

Coco Martin at John Prats

WALANG konkretong sagot sa amin ang management company ni John Prats na Cornerstone Entertainment kung tapos na ang karakter niya bilang miyembro ng Task Force Aguila as Msgt. Jerome Girona sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Kaya namin ito naitanong ay dahil si John din ang direktor ng daily noontime show ng Kapamilya network na “It’s Showtime” at buhay na buhay naman siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kaya paano niya ito nagagawa lalo na ngayong isang buwan tatagal ang lock-in taping nila sa Ilocos Sur.

May nagtsika naman sa amin na huling lock-in taping na pala ni John ngayon sa Ilocos Sur kaya ang tanong ay tuluyan na nga ba siyang mamamaalam sa aksyon serye ni Coco Martin? 

Kailangan na raw kasing tutukan ni John ang “It’s Showtime” kaya kahit ayaw pa niyang iwan si Cardo Dalisay ay hindi niya puwedeng pagsabayin ang dalawang programa.

Anyway, naalala namin si John noong una siyang magdirek ng concert ni Moira dela Torre na “Tagpuan” noong Pebrero, 2018 na ginanap sa KIA Theater na sinundan ng concert ni K Brosas ng Abril sa kaparehong taon dahil sobrang kabado niya noon.

Walang formal studies si John sa pagdidirek, lagi lang siyang nanonood ng videos kaya abut-abot ang kaba niya na maitawid ang kanyang first directorial job.

At boom! Heto nga’t sunud-sunod na ang mga concert na idinirek niya na umabot na sa 12 at dumagdag na nga ang “It’s Showtime” na sa simula ay pansamantala lang pero nagustuhan ng buong production at hosts ang magandang konsepto ni John na pati management ay napahanga niya kaya ang ending naging regular na siya.

E, parang daig pa ni John ang nag-aral ng ng directing dahil ang mentor pala niya ay sikat na direktor at ABS-CBN Production head na si Laurenti Dyogi na naging daan para maging TV direktor ang aktor.

Sabi nga ng talent manager na si Manay Lolit Solis, “Si direk Lauren Dyogi din pala Salve ang naging way para maging TV director si John Prats.

“Si direk Loren Dyogi pala ang nagbigay ng lakas ng loob kay John Pratts para subukan maging direktor, kaya ngayon siya na ang humahawak ng Showtime.

“Mabait talaga si direk Lauren Dyogi at very generous sa pagtulong sa mga baguhan kaya naman ang dami talaga ng lumalapit sa kanya , hindi lang iyon gusto mag artista, kundi maging iyon gusto magdirek.

“Ganyan dapat ang mga secure at talented na tao, willing mag open ng doors para duon sa gusto mag try, tumulong para lalo pang dumami ang mga talents na mapasali sa showbiz.

“Imagine mo iyon break na iyon para kay John Pratts, bongga. Ngayon director na siya sa TV, next puwede na sa pelikula.

“Dahil hindi madamot si direk Lauren Dyogi kaya nagawa iyon at nangyari. Ngayon mga baguhan artista ang hahawakan ni direk Lauren Dyogi at sure ako under his wings, marami ang sisikat sa mga baguhan nasa care niya ngayon sa Star Magic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maraming mga future big stars ang magpapa salamat sa naging tulong sa kanila ni direk Lauren Dyogi. Sure ako siya ang godfather ng mga future superstars and directors. Thank you direk Lauren Dyogi.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending