Lolit Solis sa naghahanap kay Angel Locsin: Ang tagal na niya sa limelight, ngayon ang panahon para sa sarili niya | Bandera

Lolit Solis sa naghahanap kay Angel Locsin: Ang tagal na niya sa limelight, ngayon ang panahon para sa sarili niya

Pauline del Rosario |February 12,2023
facebook
share this

Lolit Solis sa naghahanap kay Angel Locsin: Ang tagal na niya sa limelight, ngayon ang panahon para sa sarili niya

Pauline del Rosario - February 12, 2023 - 03:30 PM
Lolit Solis sa naghahanap kay Angel Locsin: Ang tagal na niya sa limelight, ngayon ang panahon para sa sarili niya

NAGBIGAY na ng opinyon ang veteran columnist na si Lolit Solis tungkol sa pag-hiatus o pagpapahinga ng aktres na si Angel Locsin sa social media.

Tila dumadami na kasi ang mga taong naghahanap sa aktres na matagal-tagal nang hindi nagpaparamdam sa publiko.

May mga haka-haka pa ngang may pinagdadaanan ito dahil hiwalay na umano sa asawang si Neil Arce.

May mga usap-usapan pa ngang kumakalat na marahil ay buntis daw umano si Angel.

Gayunpaman, kung ano man ang dahilan sa pagha-hiatus ni Angel sa publiko ay nakiusap si Nanay Lolit na huwag nang i-pressure ang aktres.

Sinabi pa ng kolumnista ay baka gusto lamang sulitin ng mag-asawa ang kanilang private life, lalo na’t matagal nang naging active sa showbiz industry si Angel.

Caption ni Nanay Lolit, “Naku Salve lahat naghahanap kay Angel Locsin dahil matagal nang ‘di nakikita.”

Patuloy niya, “Baka naman talagang gusto nila ni Neil Arce na malayo muna sa public eyes dahil private muna ang gusto nilang buhay.”

“Saka sobra ang pressure na sana magka-baby na ang mag-asawa. Siyempre gusto naman ni Angel na tahimik muna ang lahat ngayon dahil ang tagal na niyang nasa limelight, ngayon ang panahon na sarili naman niya ang tignan niya,” aniya.

Pinuri niya rin si Neil bilang naging supportive husband siya para kay Angel.

Sey niya, “Si Neil Arce naman laging supportive sa gusto ni Angel kaya walang problema basta gusto nito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Dahil diyan ay pinakiusapan niya ang fans na gayahin si Neil na patuloy lang sinusuportahan ang aktres at hindi dapat pine-pressure.

“Dapat din maging supportive ang mga fans ni Angel sa kanya, huwag itong i-pressure na makita sa public pag hindi nito gusto,” dagdag ng veteran columnist.

Pahabol na mensahe pa niya para sa aktres, “Take your time Angel Locsin, deserving ka na magpahinga at ang private life mo muna ang harapin.”

“Your married life is your priority now, at hoping it will be a peaceful, happy life forever. Bongga,” aniya.

As of this writing ay naka-private ang Instagram account ng aktres.

Matatandaang noong 2021 ikinasal sina Angel at Neil matapos ang halos tatlong taong magkarelasyon.

Taong 2017 nang mag-umpisa ang “dating rumors” ng dalawa at noong 2018 nang kinumpirma ni Angel na sila na ni Neil.

Related chika:

Bb. Pilipinas naghahanap na ng mga bagong kandidata para maging reyna

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden naghahanap uli ng mga bagong iskolar para sa AR Foundation: Walang ibang investment na makakatalo roon

Anna Feliciano naghahanap ng ‘Wowowin’ dancers, P70k kada buwan ang sahod…true kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending