Alden naghahanap uli ng mga bagong iskolar para sa AR Foundation: Walang ibang investment na makakatalo roon
Alden Richards
NAGHAHANAP na uli ngayon ang AR Foundation ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ng mga bagong scholar para sa susunod na school year.
Ibinandera ng award-winning Kapuso actor na dalawa sa mga tinutulungan niyang makapagtapos ng pag-aaral ay naka-graduate na sa college.
Kaya naman mas nai-inspire pa siya ngayon na mapalawak pa ang kanyang foundation para marami pa siyang matulungang kabataan hindi lamang sa mga nakukuha nilang mga scholar.
“I’m very happy and I’m very proud of them kasi hindi nila sinayang ‘yung tulong na ibinigay ko sa kanila,” ang pahayag ni Alden.
Dagdag pa ng binata, “I should say na walang ibang investment na makakatalo doon sa na-invest ko dito sa mga batang ‘to.”
“It’s a legacy, that’s how I would like to put it. It’s a legacy and dadalhin na nila ‘yun hanggang tumanda sila. And I’m very, very proud of these kids,” dugtong pa ng Pambansang Bae.
Ito rin ang dahilan kung bakit naisipan niyang magkaroon ng digital/online benefit concert, ang “ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.” na mapapanood na sa Jan. 30.
“With this concert that we’re having now, of course all the proceeds of this will go to AR Foundation that will open up doors for more scholars this year, more projects this year.
“When we started formulating the foundation, we already have plans, may mga plano na kami paano kami magpo-forward in the next couple of years.
“So, hindi lang ‘to mare-restrict for granting scholarships, we will also venture into a more diversified charity works in the future,” pahayag pa ng aktor.
View this post on Instagram
Aniya pa, “The concert will give deeper meaning sa AR Foundation. Kasi it will tell a lot of stories about my childhood. Ano yung mga pinagdaanan ko why I came up with foundation.
“Bakit ako tumutulong. Why I’m sending kids to school. Bakit nangyayari ang lahat ng yun it’s because of that purpose. Para at least when we launch the foundation, we have a deeper meaning.
“Gusto kong mangyaring message to people who will watch, ‘Ah kaya pala nagkaroon ng foundation si Alden is because of the experiences na mapapanood nila sa docu-concert,’” sabi pa ng binata.
Nabanggit din ni Alden sa virtual mediacon ng concert na hindi lang ang pagtulong sa mga kabataang nais mag-aral ang target ng AR Foundation.
“May iba pang projects ina-eye for the next couple of years. Very happy talaga ako sa support ng fans. They know this is for a good cause,” dagdag pa ni Alden.
Nitong nagdaang weekend, in-announce na soldout na ang tickets sa “ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.”. Ngunit nagbukas muli ang Ticket 2 Me para ma-accommodate pa ang mga nagre-request na fans ni Alden.
https://bandera.inquirer.net/299310/alden-umamin-napakahirap-ng-mga-pinagdaanan-ko-when-i-was-young
https://bandera.inquirer.net/298302/2-scholar-ni-alden-naka-graduate-na-sa-college-magko-concert-para-sa-batang-gustong-mag-aral
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.