Angeline Quinto proud na ibinandera ang dyowa at ama ng kanyang baby | Bandera

Angeline Quinto proud na ibinandera ang dyowa at ama ng kanyang baby

Therese Arceo |February 19,2022
facebook
share this

Angeline Quinto proud na ibinandera ang dyowa at ama ng kanyang baby

Therese Arceo - February 19, 2022 - 10:18 AM

Angeline Quinto proud na ibinandera ang dyowa at ama ng kanyang baby
GINULAT ni Angeline Quinto ang madlang pipol nang ibandera niya ang kanyang dyowa at tatay ng kasalukuyan niyang ipinagbubuntis.

Sa kanyang latest vlog kung saan ibinahagi niya ang kanyang maternity shoot at ang pakikipagkulitan niya sa kanyang team ay isang malaking pasabog ang ginawa ni Angeline sa dulo ng video.

Dito nga ay proud na ipinasilip ng singer-actress ang mukha ng kanyang non-showbiz dyowa.

Kahit sa kanyang social media accounts ay ibinahagi na rin ni Angeline ang kanilang larawan.

Bumuhos naman ng pagbati mula sa netizens at kanyang showbiz friends ang naturang post.

“Woooy Ate Angge bat naman ganyan kayo? Binbigla nyo kame hahaha bigla bigla kayo nag papakilig,” saad ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Hirit pa ng isa, “Grabe yung dulot samin bilang fans mo na makita ka kung gaano kasaya. Hindi lang yung mga bibig mo yung nakangiti damang dama namin yung puso mo na kumikinang. Mahal na mahal ka namin at for sure Mama Bob is also happy in heaven.”

Matatandaang sa kanyang “Q&A buntis edition” vlog three weeks ago ay may nagtanong sa kanya kung handa na siyang ipapakilala sa madlang pipol ang ama ng dinadala niya.

“Darating rin naman tayo dyan. Sa ngayon, ang hihingin ko lang sa inyo ay ibigay n’yo muna sa akin ang moment na ito habang pinagbubuntis ko ‘yung magiging ko,” sey ni Angeline.

Dagdag pa niya, “Maniwala kayo sa akin. Hinding-hindi ko naman ‘yun ipagdadamot sa inyo dahil katulad ng sinasabi ko madalas, lahat naman ng mga espesyal na nangyayari sa akin, espesyal na mga tao sa buhay ko, talagang ipapakilala at ipapakita ko sa inyo.”

At mukhang ito na nga at ready na si Angeline na ipangalandakan sa mundo ang kanyang dyowa dahil ilang buwan na lang ay magiging ganap na silang isang pamilya.

Ang inaabangang ngayon ng madlang pipol ay ang magiging “kasal reveal” ng dalawa. At ang sigaw ng fans at tagasubaybay ni Angeline ay “When kaya?”

Malay naman natin, life is full of surprises, baka tulad ng kanyang pa-grand reveal sa kanyang dyowa ay may mas pasabog pang rebelasyon ang singer-actress. For sure naman na ibabahagi ito ni Angeline dahil tulad ng pagmamahal sa kanya ng fans, labis labis rin ang pagmamahal niya sa mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin
Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending