BINAWIAN ng buhay ang 11 katao sa nangyaring sunog sa Binondo, Manila ngayong Biyernes ng umaga, August 2.
Isang sunog ang nangyari sa isang commercial building sa 555 Nuevo St., na matatagpuan sa Binondo, Manila.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), na-trap ang 11 katao sa loob ng nasusunog na gusali.
Baka Bet Mo: Kuwarto ng sikat na aktor sa isang hotel sa Mindanao nasunog dahil sa bisyo
Itinaas sa first alarm ang sunog bandang 7:28 ng umaga at makalipas ang halos isang oras ay umabot ito sa second alarm noong 8:14 ng umaga.
Nagtagal ng halos tatlong oras ang sunog at tuluyan itong naapula bandang 10:03 na ng umaga.
Sa video na ibinahagi ng DZRH News, umiiyak ang landlord habang ibinabalita sa kanya ng barangay chairman na 11 katao ang nasawi nang dahil sa sunog kasama ang kanyang asawa.
Ayon sa barangay kagawad, nagsimula ang sunog nang sumabog ang isang LPG tank sa canteen na nasa ground floor ng commercial building.
Dali dali ngang umakyat papunta sa mga kasunod na palapag ang sunog.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pangalan ng mga nasawi mula sa insidente.
Nagpaabot naman ng mensahe ng pakikiramay si Manila City Mayor Honey Lacuna sa mga pamilya ng mga nasawi.
“Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, lubos po akong nakikidalamhati sa mga mahal sa buhay ng mga nasawi sa sunog na tumupok sa isang residential-commercial building sa Carvajal sa Binondo, Maynila kaninang umaga,” saad ni Mayor Honey.
Dagdag pa niya, “In response to this tragedy, I will be issuing a memorandum instructing all building and fire officials to conduct thorough inspections of all structures within the city. The structures at highest fire risk especially those buildings that are at least 15 years old will be prioritized in the inspection to determine their compliance with the National Building Code and the Revised Fire Code of the Philippines.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.