Paolo nagpa-tattoo kay Apo Whang-od, hindi rin nakaligtas sa 'hipo pose'  | Bandera

Paolo nagpa-tattoo kay Apo Whang-od, hindi rin nakaligtas sa ‘hipo pose’ 

Ervin Santiago |March 31,2019
facebook
share this

Paolo nagpa-tattoo kay Apo Whang-od, hindi rin nakaligtas sa ‘hipo pose’ 

Ervin Santiago - March 31, 2019 - 02:38 PM

HINDI pinalampas ng TV host-comedian na si Paolo Ballesteros ang pagkakataon na makapagpa-tattoo kay Apo Whang-Od.

Nagbakasyon ng ilang araw si Paolo sa Benguet kamakailan at talagang sinadya niya ang lugar kung saan  nakatira ang renowned tattoo artist.

Nag-post si Paolo ng litrato sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya ang Kalinga tattoo master na kilala rin sa pagpo-pose sa mga lalaking kanyang tinatatuan na kunwari’y nakahawak sa maselang bahagi ng katawan ng mga ito.

“Mabilis talaga kamay ni Apo Whang-Od,” ang caption ni Paolo sa IG photo nila ni Apo Whang-od kung saan makikitang tila hinihipuan niya ang TV host-comedian.

Hindi naman ipinakita ni Paolo kung saang bahagi siya tinatuan ni Apo at kung anong imahe ang kanyang ipinalagay.

Bukod sa pagpapa-tattoo, nilibot din ni Paolo ang ilan pang tourist spots sa Benguet kabilang na ang sikat na silat sa buong mundo na Banaue Rice Terraces sa Ifugao province.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending