Sexbomb Aira na-bash ng fans ni Britney Spears dahil sa paandar na dance video Bandera

Sexbomb Aira na-bash ng fans ni Britney Spears dahil sa paandar na dance video

Ervin Santiago |May 30,2021
share this

Sexbomb Aira na-bash ng fans ni Britney Spears dahil sa paandar na dance video

Ervin Santiago May 30, 2021 - 10:24 AM

KUNG may isang hate message na hinding-hindi malilimutan ng dating SexBomb dancer na si Aira Bermudez tungkol sa kanyang pagsasayaw, yan ay ang pamba-bash ng ilang fans ni Britney Spears.

In fairness, kahit matagal nang hindi aktibo ang Sexbomb Girls, very visible pa rin ang ilang miyembro ng grupo sa TV at social media, kabilang na ang TikTok at YouTube.

Bukod kina Rochelle Pangilinan, Mia Pangyarihan, Jopay Paguia, hindi rin magpapahuli si Aira sa pagkakaroon ng karaketan sa panahon ng pandemya.

Bentang-benta sa mga loyal fans ng SexBomb ang mga dance video niya lalo na sa TikTok na nagsisilbi ring tutorial sa mga mahihilig sumayaw at humataw gamit ang socmed.

But of course, kung may mga humahanga at nae-entertain sa mga ginagawa ni Aira, marami rin ang nangnenega sa kanya at nanglalait sa mga isine-share niyang dance video.

Sa guesting ng dancer-actress sa nakaraang episode ng “Mars Pa More” natanong si Aira sa “Lightning Laglagan” segment kung ano ang pinakamatinding pamba-bash na natanggap niya recently.

Kuwento ni Aira, may kinalaman daw ito sa isang video na ibinahagi niya sa publiko kung saan pinagtabi niya ang dance cover na ginawa niya sa live  performance ni Britney Spears.

“Sabi nila, hindi ko raw ma-a-achieve ‘yung pagka-Britney talaga. Oo, ‘yon. Marami kay Britney, na hindi ko siya mari-reach,” sey ni Aira.

Paliwanag pa ni Aira, “Kasi para sa akin na professional dancer, gumagawa ako ng split screen dance cover para makita ‘yung dance. Hindi naman comparison kasi hindi ko naman puwedeng i-beat ‘yung Queen Britney.

“Split screen dance cover. Minsan kasi may mga nagko-comment na hindi nila naiintindihan ‘yung concept nu’ng video.

“Parang may mga natatanggap lang akong ganun na ayon, akala nila bini-beat ko si Britney,” depensa pa ng Sexbomb Dancer.

Inamin din ni Aira na kahit paano’y naaapektuhan din siya mga ganitong uri ng comments dahil tao lang naman daw siya. Ngunit pinipilit na lang niyang iniintindi ang mga haters dahil talagang hindi naman niya mapi-please ang lahat.

“Kapag may namba-bash na ganun parang hindi nila naiintindihan ‘yung concept ng video, parang siyempre binibigyan ko ng effort ‘yon e.

“Tsaka never mo namang puwedeng palitan si Britney. Tsaka hindi naman ako singer. Dancer ako, ‘di ba?” aniya pa.

Sa tanong kung sino ang mas magaling gumiling sa kanila ni Rochelle, mabilis na sagot ni Aira, “Si Rochelle Pangilinan!”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending