Grae papayag gumawa ng movie kasama si Mark Anthony kung...

Grae papayag lang gumawa ng movie kasama si Mark Anthony kung…

Ervin Santiago - September 11, 2024 - 07:40 AM

Grae papayag lang gumawa ng movie kasama si Mark Anthony kung...

Mark Anthony Fernandez at Grae Fernandez

“YOU have to really be fearless, kailangan mo talagang ipaglaban kung sino ka at anong paniniwala mo!” ang isa sa advice kay Grae Fernandez ng amang si Mark Anthony Fernandez.

Bilang anak ng isa sa mga pinakasikat na matinee idol noon at nananatili pa ring aktibo sa showbiz hanggang ngayon, marami na ring natutunan si Grae sa ilang taon niyang pag-aartista.

Baka Bet Mo: Payo ni Mark Anthony kay Grae: Huwag ‘magpapatalo’ sa babae: Baka inaalipin o ginagamit lang siya

Nakausap namin recently ang Kapamilya actor at isa sa lead star ng ABS-CBN series na “Pamilya Sagrado” at game na game niyang sinagot ang aming mga question about him and his father.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Una naming tinanong namin sa binata kung payag ba siyang makatrabaho ang amang si Mark Anthony sa next projects niya.

Game naman daw siya pero, “Dapat bagay po sa kanya ‘yung karakter, bagay po sa akin. Saka ayun talaga, I think the chemistry, of course, obviously will be there.

“I think it really needs to have the depth of a line of a story. What are we trying to portray. Ano pong ipapakita namin sa audience,” tugon ng aktor.

Patuloy pa niyang chika, “Hindi lang po, because it’s Mark Anthony and because it’s Grae, na kaya tayo gagawa ng project. What’s the project first, then cast us as actors.

“So that’s my perspective on that. Pero again, I’m very open to that idea,” sey pa ni Grae.

Baka Bet Mo: Para kay Agot, dapat maging presidente ng Pinas ay ‘strong, fearless, inspiring leader’

Sunod na tanong namin ay kung napapanood ba ng tatay niya ang “Pamilya Sagrado” kung saan pinupuri ng mga manonood ang kanyang akting.

“Yeah, I think this is the one na talaga. Kasi, ever since my career, has let’s me do my own thing. Pero he told me na ito yung pinakanakakarinig siya from other people na parang, ‘Oh wow! Ang galing ni Grae du’n!’

“Parang, ‘Oh, wow! Ang ganda nu’ng show.’ So he checked it out, and he’s really proud of me in this one. So I’m very happy for that,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Grace Cameron Fernandez (@graefernandez)


Next question namin, ano’ng mga advice ni Mark Anthony na talagang tumatak at nagmarka sa kanya nang pasukin na rin niya ang mundo ng showbiz?

“That in this industry, you have to really be fearless. Kailangan mo talaga ipaglaban ‘yung sino ka at anong paniniwala mo, what you believe in.

“And just to be, if you’re really entering, when I was starting this career, ‘parang kung gusto mo talaga ito, you have to give it your all talaga. You can’t just be unserious with it.’

“And again, nu’ng baguhan pa ako, medyo bata pa rin po ako, I didn’t know what I wanted or what my interests were. Nung that stage po, medyo petiks petiks pa rin po ako here and there.

“But now talaga, again, I just want to be the best actor I can and just work as hard as I can. Ngayon na mas nakakatanda na po ako,” sey pa ni Grae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naibalita rin ng binata na mawawala siya pansamantala sa Pilipinas dahil lilipad daw siya patungong Amerika para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa isang acting school doon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending