Jodi, Albert magkakampi na sa 'LF, Tanggol nanganib sa 'BQ'

Jodi, Albert magkakampi na sa ‘Lavender Fields’, Tanggol nanganib ang buhay sa ‘BQ’

Reggee Bonoan - October 04, 2024 - 08:58 AM

Jodi, Albert magkakampi na sa 'Lavender Fields', Tanggol nanganib ang buhay sa 'BQ'

PHOTO: Screengrab from Instagram/@dreamscapeph

ISA kami sa nanonood ng seryeng “Lavender Fields” sa Netflix dahil ang bilis-bilis ng pacing at advance pa kaysa maghihintay kami sa YouTube tulad ng ginagawa naming panonood ng “FPJ’s Batang Quiapo” bilang team replay kami.

Aminado kaming hindi namin napapanood ang “Pamilya Sagrado” dahil hindi naman namin ito nasimulan kumpara sa BQ at LF.

Ilang buwang nag-number one sa Netflix ang “Lavender Fields,” pero mukhang mababawi ulit nito ang puwesto lalo’t nakamit nito ang all-time high peak concurrent views na 657,514 matapos pakinggan ni Zandro (Albert Martinez) ang paliwanag ni Jasmin (Jodi Sta. Maria) tungkol sa kanyang pagtatago sa katauhan ni Lavender Fields at sa pagpapatakas dito mula kina Iris (Janine Gutierrez).

Bitin nga dahil ang ipinakitang susunod na teaser ay magkakampi na sina Jodi at Albert para tuklasin ang mga bagay-bagay at ipinakita na rin ang pagbabalik ni Jericho Rosales as Tyrone.

Nagngingitngit naman si Janine dahil ang lapit-lapit na nga naman ni Jasmin Flores sa kanila ay hindi pa nila mahuli-huli.

Baka Bet Mo: Jodi ipinasilip ang ‘look test’ nila ni Jericho: ‘Kinakabahan pa rin ako!’

Anyway, nakagawa rin ng milestone ang “Pamilya Sagrado” dahil sa unang pagkakataon kahit nasa ika-tatlong slot ay nakamit nito ang mahigit 300,000 peak concurrent views.

Nakakuha ang serye ng 307,369 peak views nang abangan ng manonood ang unang pagkikita nina Rafael (Piolo Pascual) at Moises (Kyle Echarri) matapos malaman ng dating presidente na anak pala niya ito.

Makikilala rin ng manonood ang mga bagong karakter na aabangan nila sa serye na sina Ketchup Eusebio, Argel Saycon, Zeppi Borromeo, Marela Torre, Ross Pesigan, Junjun Quintana, at Ryan Eigenmann.

Speaking of “FPJ’s Batang Quiapo” ay nakuha nito ang all-time high concurrent viewership record na 729,234 views lalo pa at nanganganib ang buhay ni Tanggol (Coco Martin) sa kamay ni Facundo (Jaime Fabregas) at ang inaabangang paghihiganti ng mga Montenegro sa mga Caballero.

Ang galing mambitin ng “Lavender Fields” at “Batang Quiapo” sa mga istorya nila kaya ito ang dahilan kung bakit talagang sinusubaybayan ito sa online live at replay.

Anyway, abangan ang  “FPJ’s Batang Quiapo,” “Lavender Fields,” at “Pamilya Sagrado” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending