Piolo sobrang yaman na: Lahat pinapatulan ko, pati ribbon cutting!
LITERAL ngayong tinatawag na “Curacho, lalaking walang pahinga” ang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.
Hango ang pangalang Curacho sa pelikula ni Rosanna Roces noon na “Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga” at si Piolo nga raw ang perfect male version nito sa sobrang kasipagan sa trabaho.
E, kasi nga, sa lahat ng male celebrity ngayon ay si Papa P ang talagang kaliwa’t kanan ang acting projects, bukod pa sa pagiging hands on producer.
Sunud-sunod ang mga teleserye at pelikula niya nitong mga nagdaang taon, at mukhang wala siyang kaplanu-planong magpahinga dahil punumpuno na ang kalendaryo niya hanggang 2025.
Sigurado kami na hindi lang milyonaryo si Papa P, kundi isa nang bilyonaryo dahil sa dami na ng mga naipundar ng properties at mga negosyo sa loob nang ilang dekada sa entertainment industry.
“Lahat kasi pinapatulan ko pati ribbon cutting, eh. Wala naman akong gagawin eh, why not?
Baka Bet Mo: Kylie Verzosa inaming hindi na sila nagkakausap ni Jake Cuenca: Pahinga muna ang puso, work muna
“I mean, I’m at a point in my life wherein I want to be able to leave something for my son and my family.
View this post on Instagram
“And just make use of the time that I’m given and the finance that I’m given and make sure to invest it in projects that will be profitable,” pahayag ni Piolo sa finale presscon ng hit teleserye niyang “Pamilya Sagrado”.
Nang matanong kung ano ang major investment ni Papa P, “Real estate. It’s really real estate. I’ve been doing real estate since I started more than 20 years ago, and I haven’t stopped.
“And I just constantly grow and try to get projects that will appreciate in time,” aniya pa.
Hindi lang sa Pilipinas nakapag-invest ng business at nakabili ng mga ari-arian si Papa P kundi maging sa Amerika, partikular sa Las Vegas.
In fairness naman kay Piolo, parang wala siyang luho sa katawan at hindi rin siya mahilig mag-flex ng mga luxury and branded items sa social media.
Ang madalas niyang ipino-post sa kanyang Instagram page ay ang mga workout session niya at sangkaterbang projects and endorsements.
Kaya naman ang palaging sinasabi kay Piolo ng kanyang mga fans at supporters, “Dyowa na lang talaga ang kulang.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.