Kyle napalaban kay Piolo sa matinding aksyon sa 'The Ride': 'Siyempre na-pressure ako...Papa P na 'yon, sobra!' | Bandera

Kyle napalaban kay Piolo sa matinding aksyon sa ‘The Ride’: ‘Siyempre na-pressure ako…Papa P na ‘yon, sobra!’

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

Kyle napalaban kay Piolo sa matinding aksyon sa ‘The Ride’: ‘Siyempre na-pressure ako…Papa P na ‘yon, sobra!’

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 02:07 PM

Kyle napalaban kay Piolo sa matinding aksyon sa 'The Ride': 'Siyempre na-pressure ako...Papa P na 'yon, sobra!'

KAYA naman pala palaging nakikitang magkasama sina Piolo Pascual at Kyle Echarri nitong mga nagdaang buwan ay may ginagawa pala siyang pelikula.

Excited na ang dalawang Kapamilya actor sa kanilang upcoming movie na may titulong “The Ride” kung saan napasabak sila sa matitinding aksyon at buwis-buhay na eksena.

Ibinalita ni Piolo sa episode ng “Magandang Buhay” kahapon na natapos na nila ang pelikula at very soon ay mapapanood na ito ng madlang pipol.

“Gumawa kami ng pelikula ‘The Ride.’ We filmed last year and we finished a month or two months ago. It’s an action film. Nakakatuwa. First time namin together,” ang chika ng award-winning actor.

Sey pa ni Piolo, ibang-iba naman ito sa mga past projects na nagawa niya kaya sana raw ay suportahan ng mga manonood ang unang pelikulang pagsasamahan nila ni Kyle.

Pahayag naman ni Kyle, “Sobra po akong excited first time ko po gumawa ng ganu’ng movie.

“First time kong mag-action talaga so I am excited for people to see. It’s a very different kind of project that I don’t think you’ve even seen Piolo do before,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Kyle Echarri nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: I didn’t lose my sister… I just got a new angel

Feeling blessed din ang young actor dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makasama sa isang bonggang project ang tinaguriang “Ultimate Leading Man” ng Philippine showbiz.

“He didn’t make me feel any pressure. Noong una siyempre na pressure ako, Papa P na ‘yon, sobra. Pero ngayon on set sobrang magkaibigan lang talaga, it didn’t feel like work anymore,” chika pa ni Kyle.

Puring-puri naman ni Piolo ang binata dahil sa ipinakita nitong akting sa kanilang movie.

“Dito sa pelikula namin he’s a big revelation, of course he’s known more as a singer but also as an actor as you’ve seen in ‘The Iron Heart.’

“And dito sa ‘The Ride’ iba rin ‘yung ipinakita niya, iba rin yung character,” sey pa ni Papa P about Kyle.

Matatandaang palaging nakukunang magkasama sina Kyle at Piolo sa mga showbiz gatherings nitong mga nagdaang buwan, kabilang na riyan ang naganap na reunion ng ilang Star Magic original artists kasama ang dating head ng nasabing ABS-CBN talent management arm na si Johnny Manahan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kyle Echarri tumangging mag-trunks sa ‘Beach Bros’, hindi pa confident magpakita ng katawan

Kyle Echarri nakatagpo ng ika-2 pamilya sa mag-anak na Atayde, mensahe ni Sylvia Sanchez: ‘Mahal ka namin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending