Kyle Echarri tumangging mag-trunks sa 'Beach Bros', hindi pa confident magpakita ng katawan | Bandera

Kyle Echarri tumangging mag-trunks sa ‘Beach Bros’, hindi pa confident magpakita ng katawan

Reggee Bonoan |July 11,2022
facebook
share this

Kyle Echarri tumangging mag-trunks sa ‘Beach Bros’, hindi pa confident magpakita ng katawan

Reggee Bonoan - July 11, 2022 - 04:32 PM

Kyle Echarri at Chie Filomeno

SINONG mag-aakala na ang batang nag-audition noon sa “The Voice Kids” (2015) na si Kyle Echarri ay isa nang ganap na binata at sa edad 19 ay isa na sa subject of desire ngayon sa iWantTFC series na “Beach Bros”.

Ang laki nang ipinagbago ngayon ni Kyle dahil tumangkad at gumanda pa ang katawan after seven years na medyo chubby pa nga noon kasi nga bata pa rin naman.

Kaya ito ang tanong sa binata sa ginanap na mediacon ng “Beach Bros” sa Dolphy Theater nitong Linggo, ano ang pakiramdam niya na may desire na sa kanya ang lahat bilang isang leading man nina Kira Balinger at Chie Filomeno na idinirek ni Victor Villanueva.

“Nakakapanibago naman po talaga kasi galing po ako sa The Voice, eh.  I was that little kid at the Voice na audition palang nagkamali na,” bungad ng binatilyo.

At saka niya inisa-isa ang mga naging projects niya hanggang sa nabigyan siya ng malaking break sa Kadenang Ginto na umabot sa dalawang taon bilang loveteam ni Francine Diaz.

“Kaya po sobrang nagpapasalamat ako sa Dreamscape Entertainment dahil sa tiwala, it’s a very big career path change na nakakatakot naman po talagang tanggapin pero I’m happy and nagpapasalamat po ako kay Sir Deo (Endrinal) sa tiwala sa akin,” saad ni Kyle.

Sa tanong kung ni-request na ni Kyle na gawin na siya kaagad leading man at iba na ang loveteam dahil ang dati niyang kapartner ay may iba na ngayon.

“Leading man? Hindi naman po sa ni-request o hiningi ko kundi gusto ko pong patunayan sa kanila na kaya ko po. It’s always been a dream of mine to prove not just to everyone but to myself na kaya ko pong dalhin ‘yung sarili ko po,” paliwanag ng binatilyong aktor.

Marami ang nagulat dahil ang kasama niya sa “Beach Bros” ay si Chie Filomeno na pitong taon ang tanda sa kanya at maraming nagkagusto sa maganda nilang chemistry kaya nabuo ang KyChie.

At dahil sa napakagandang beach sa Baler, Quezon ang location ng series ay siyempre dapat naka-trunks ang mga bida pero tumanggi si Kyle dahil hindi raw niya kakayanin. Hindi pa raw siya ganu’n ka-confident para magpakita ng buong katawan niya.

Anyway, kilig at good vibes ang handog ng dating PBB Kumunity celebrity edition housemates na sina Kyle at Chie sa iWantTFC original series na “Beach Bros.”

“You only live once” ang life motto ng kanilang grupo kaya naman nagsusumikap sila bilang mga waiter at pool boy sa isang engrandeng resort para matupad ang pangarap nilang manirahan sa Manila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)


Kahit sinasakyan nila ang mga kalokohan ng isa’t isa, mayroon pa rin silang pinagdadaanan na mga pagsubok sa kani-kanilang buhay. Desperado si Dave na kumbinsihin ang kanyang ina na payagan siyang mag-aral sa Manila; nagkakalabuan naman si Billy at ang kanyang matinong girlfriend na si Yasmine (Angelica); si Jason ay may lihim na pagtingin kay Erika (Kira); habang si Pete naman ay may tinatagong feelings para sa kanyang best friend.

Magbabago ang buhay ng kanilang barkada nang makilala nila si Nicole (Chie). Si Nicole ay isang misteryoso at sexy na babaeng tila tutulong sa kanilang barkada kung paano maging wais sa kanilang mga desisyon.

Mapapalapit si Nicole sa kanila, lalong-lalo na kay Dave na patay na patay na sa kanya. Ngunit malalaman ng grupo na mayroon pa lang ibang pakay si Nicole at may itinatago itong sikreto na maaaring ikapahamak nilang lahat.

Dahil dito, madadamay si Dave at ang buong barkada sa gulo. Dadaan sila sa matinding pagsubok kung saan masusubukan ang kanilang pagkakaibigan.

Malulusutan ba ng barkada ang kanilang mga problema? Ano ang totoong pagkatao ni Nicole?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Beach Bros” ay sa ilalim ng direksyon ni Victor Villanueva at mapapanood na ito nang libre sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com) simula ngayong Hulyo 16.

Kyle Echarri masaya sa tambalan nina Francine at Seth: Alam naman ng management kung anong ikabubuti namin

Kyle Echarri inihanda ng pandemya para mas maging palaban sa buhay

Seryoso, ang bait ni bro Baron Geisler, kaya wag mag-judge agad!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending