Kyle Echarri nakatagpo ng ika-2 pamilya sa mag-anak na Atayde, mensahe ni Sylvia Sanchez: 'Mahal ka namin' | Bandera

Kyle Echarri nakatagpo ng ika-2 pamilya sa mag-anak na Atayde, mensahe ni Sylvia Sanchez: ‘Mahal ka namin’

Ervin Santiago |April 13,2023
facebook
share this

Kyle Echarri nakatagpo ng ika-2 pamilya sa mag-anak na Atayde, mensahe ni Sylvia Sanchez: ‘Mahal ka namin’

Ervin Santiago - April 13, 2023 - 07:01 AM

Kyle Echarri nakatagpo ng ika-2 pamilya sa mag-anak na Atayde, mensahe ni Sylvia Sanchez: 'Mahal ka namin'

Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Xavi Atayde, Gela Atayde, Sylvia Sanchez, Kyle Echarri at Art Atayde

NAKATAGPO ng ikalawang pamilya ang young actor at singer na si Kyle Echarri sa mundo ng showbiz — yan ay walang iba kundi ang Atayde family.

Sa bahay ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde sa Batangas nagbakasyon ang binata nitong nagdaang Holy Week, base na rin sa mga nakita naming litrato sa social media.

Mismong ang award-winning actress na si Ibyang ang nag-post ng mga picture ng kanyang pamilya sa Facebook na kuha sa kanilang resthouse kung saan makikita ngang nakasama nila si Kyle.

Bukod kay Papa Art at sa kanyang mga anak naroon din ang iba pang mga kapamilya at kamag-anak ni Sylvia na kitang-kita ang kaligayahan sa muli nilang pagkikita-kita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)


At siyempre, hindi rin mawawala ang boyfriend ni Ria na si Zanjoe Marudo na talagang tanggap na tanggap na ng pamilya Atayde dahil palagi na siyang present sa mga family gatherings ng mga Atayde.

Sabi ng Kapamilya actress sa kanyang caption, “A well spent Holy Week. Thank you for this wonderful blessing, Lord.”

Baka Bet Mo: Kyle Echarri inihanda ng pandemya para mas maging palaban sa buhay

Nag-iwan naman ng mensahe si Kyle sa FB post ni Ibyang, aniya, “Thank you so much for having me, tita. Love you guys.”

Ang reply naman sa kanya ng premyadong aktres, “Mahal ka ng buong pamilya @kyleecharri. Pamilya ka namin, ‘nak.”

Sinundan pa ito ng mensahe ni Ria sa aktor na, “You are loved.”

Naging close si Kyle kay Ibyang nang magkasama sila sa Kapamilya series na “Huwag Kang Mangamba” na umere noong 2021 kung saan bumida rin sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Seth Fedelin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)


Nagluluksa pa rin hanggang ngayon si Kyle dahil sa pagpanaw ng kanyang younger sister na si Bella na ilang taon ding nakipaglaban sa brain tumor.

“To my princess: I love you more than you will ever know ta. You are the most amazing sister anyone could ever ask for.

“I already miss your hugs/kisses for Manong whenever he was sad and your cheers for whenever I was on stage.

“Now more than anything I’m happy to know that you’re done with the year of fighting something you never deserved…

“You can finally smile,sing,dance,swim, and EAT again. And don’t worry I know I didn’t lose my sister… I just got a new angel. I love you ta, Forever,” ang mensaheng ipinost ni Kyle sa kanyang Instagram para sa pagyao ni Bella.

Matatandaang nito lamang June, 2022 nang ipaalam ng aktor sa publiko ang pagkakaroon ng brain tumor ni Bella kasabay ng paghiling nito sa madlang pipol na isama sa kanilang mga dasal ang kanyang kapatid para sa agaran nitong paggaling.

Ani Kyle, May 2022 pa nang malaman ni Bella ang kalagayan ngunit ayaw raw itong ipaalam sa kanya dahil alam nitong maaaring makaapekto ito sa kanyang pagtatrabaho.

“My baby sister Bella has been my world since the day she was born. Just yesterday I was told by my family that my little girl was diagnosed with a brain tumor on May 2nd and she wanted to hide it from me because she said she didn’t want me to get stressed while I was working,” ang bahagi ng post ng binata last year.

Ruru Madrid nakatagpo ng ‘forever’ sa katauhan ni Buboy Villar; David Licauco may pakilig na hugot kay Barbie Forteza

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending