Ruru Madrid nakatagpo ng 'forever' sa katauhan ni Buboy Villar; David Licauco may pakilig na hugot kay Barbie Forteza | Bandera

Ruru Madrid nakatagpo ng ‘forever’ sa katauhan ni Buboy Villar; David Licauco may pakilig na hugot kay Barbie Forteza

Ervin Santiago - November 14, 2022 - 07:54 AM

Ruru Madrid nakatagpo ng 'forever' sa katauhan ni Buboy Villar; David Licauco may pakilig na hugot kay Barbie Forteza

Ruru Madrid at Buboy Villar

NAKATAGPO na ng “forever” ang dalawang Kapuso stars at “Running Man Philippines” stars na sina Ruru Madrid at Buboy Villar.

Ayon sa Kapuso hunk actor, isa si Buboy sa mga itinuturing niyang BFF hindi lang sa mundo ng showbiz kundi maging sa tunay na buhay.

Inilarawan ni Ruru sa interview sa kanya nina  Boobay at Pepita sa digital show na “YouLOL”  bilang panghabangbuhay ang pagkakaibigan nila ni Buboy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Ang friendship namin ni Buboy parang, maituturing ko si Buboy na isa sa best friends ko, sa buhay ko, hindi lang sa industriya,” pahayag ni Ruru.

“Kapag may problema ako siya ‘yung natatakbuhan ko, ganoon din siya sa akin. Iyon ‘yung tipong pagkakaibigan na panghabambuhay,” pahayag ng boyfriend ni Bianca Umali.

Matatandaang noong Marso, isa si Ruru sa mga pumunta sa 24th birthday celebration ni Buboy, na dinaluhan din ng iba pa niyang  celebrity friends at mga sikat na content creators.

Magkasama ngayon sina Ruru at Buboy sa reality game show ng GMA na “Running Man Philippines”. Ka-join din nila sa show sina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Kokoy de Santos, Angel Guardian at marami pang iba.

* * *

In fairness, inaabangan na rin ngayon ng Kapuso viewers ang FiLay loveteam sa historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra” ng GMA 7.

Pak na pak din ang mga karakter nina Fidel at Klay sa nasabing serye na ginagampanan nina David Licauco at Barbie Forteza.

Sa Twitter, ibinahagi ni David ang behind-the-scene photos nila ni Barbie sa isang eksena sa ika-30 episode ng programa last Friday, November 11.

Mapapanood sa nasabing episode ang panghaharana ni Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) kay Maria Clara (Julie Anne San Jose), na naisip na paraan nina Fidel at Klay para muling magkaayos ang magkasintahan.

View this post on Instagram

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


Habang patagong pinagmamasdan ang panghaharana ni Ibarra kay Maria Clara, hindi naiwasang mapaluha ni Klay, na siya namang nakita ni Fidel habang naggigitara.

Pagkatapos umere ng nasabing episode, nag-tweet si David ng, “Maaari bang ako nalang?”

Marami naman ang nag-react sa Twitter post ni David at nagsabing super kinilig at naka-relate sila sa hirit ni David. Halos lahat ng nabasa kong comments ay nagsabing sana raw ay sina Klay at Fidel.

Napapanood ang “Maria Clara at Ibarra” mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m.. sa GMA Telebabad.

Buboy Villar sa bonggang transformation ni Herlene Budol: Huwaw! Ibang-iba ka na ngayon!

Buboy Villar ginugulpi noong bata: Isinumpa ko po yung tatay ko dati…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Buboy gagawin lahat para matalo ang mga kalaban sa ‘Running Man’: Kaya ko silang laruin at paikutin sa mga palad ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending