Buboy Villar sa bonggang transformation ni Herlene Budol: Huwaw! Ibang-iba ka na ngayon! | Bandera

Buboy Villar sa bonggang transformation ni Herlene Budol: Huwaw! Ibang-iba ka na ngayon!

Ervin Santiago |June 06,2022
facebook
share this

Buboy Villar sa bonggang transformation ni Herlene Budol: Huwaw! Ibang-iba ka na ngayon!

Ervin Santiago - June 06, 2022 - 07:53 AM

Buboy Villar at Herlene Budol

WISH ng Kapuso comedian na si Buboy Villar na muli silang mabigyan ng chance ni Herlene Budol na magkasama uli sa isang teleserye ng GMA 7.

Bitin na bitin daw kasi ang celebrity daddy sa tambalan nila ni Hipon Girl da nagtapos nang Kapuso primetime series na “False Positive” na pinagbidahan nina Xian Lim at Glaiza de Castro.

Sa nasabing serye gumanap bilang Malakas at Maganda sina Hipon at Buboy na talaga namang ikinatuwa ng manonood. In fairness, malaki ang nagawa ng dalawang komedyante sa tagumpay ng serye.

Nakachikahan namin ng kaibigan at colleague na si Gorgy Rula si Buboy sa ginanap na grand launch ng bagong streaming app na AQ Prime Stream nitong nagdaang Sabado, June 4, sa Conrad Hotel, Pasay City.

Kuwento ng comedian, “Actually, nag-usap kami ni Herlene nitong mga nakaraang araw lang. Sobrang nabitin nga rin siya sa False Positive. Kasi, parang kulang na kulang yung one month na taping namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Tapos sobrang nabitin din ako. Kasi, hindi pa namin talaga na-all out yung pinaka-character namin dun. May mailalabas pa yun.

“Well, I hope na masundan pa yung False Positive na yun. Sana, magkaroon pa ng programa na puwede kaming magsama ni Herlene.

“Natutuwa ako kay Herlene. Okay siyang katrabaho, lalo na open siya sa mga suggestion, ganyan,” masayang chika ni Buboy.

Pero mukhang maghihintay muna nang matagal ang komedyante bago sila magkatrabaho uli ni Herlene sakaling manalo ito sa Binibining Pilipinas 2022 dahil siguradong magiging super busy na ito bilang beauty queen.

“Sabi ko naman sa kanya yun. Sabi ko sa kanya, kung anuman ang desisyon niya sa buhay, suporta ako bilang kaibigan niya.

“At bilang partner niya sa False Positive. Looking forward ako sa kung ano pang mga plano niya sa buhay. At I’m sure, may mararating pa siya,” paliwanag ni Buboy.

Samantala, natanong din siya kung paano niya ide-describe ngayon ang ganda ni Hipon, “Siguro, ang pinakaano ko sa kanya, ‘Huwaw! With letter ‘H’! Ha-hahaha!

“Kasi, wala akong masabi sa kanya. Katulad nung nakita ko siya, sabi ko, ‘Huwaw! Ibang-iba ka na ngayon!’

“Nanibago ako sa kanya, e, nung nakita ko siya. Pero okay pa rin naman, ganu’n pa rin ang kalog niya,” sabi ni Buboy.

Feeling ba niya makakakuha ng korona si Herlene sa Binibining Pilipinas 2022? “Para sa akin, di man niya makuha o makuha niya, huwag lalaki ang ulo niya, tuluy-tuloy pa rin siya kung ano ang magpapasaya sa tao.”

Sabi pa niya, wala naman daw siyang napansing pagbabago sa ugali ni Herlene, “Wala naman. Siguro ngayon, mas kinakalmahan niya ang sarili niya, parang ipinapakita niya ang pagiging… finesse ba ang tawag du’n?

“Babaeng-babae. So, pinapraktis niya ngayon, pagiging professional. Siyempre, Binibining Pilipinas, e,” aniya pa.

At sa tanong kung pinagnasahan ba niya Herlene, nagulat niyang sagot, “Ako?! Kay Herlene?! Wala!!! Pinagpawisan ako sa tanong n’yo bigla! Ha-hahaha!

“Wala akong pagnanasa sa kanya. Baka siya pa ang magnasa sa akin, charing!!!” tawa pa rin nang tawang sabi ni Buboy.

Isa si Buboy sa cast members ng horror film na “Huling Lamay” na idinirek ni Joven Tan at mapapanood nga sa bagong streaming app na AQ Prime Stream na magbubukas na ngayong June. Makakasama niya rito sina Marlo Mortel at Lou Veloso.

Bukod dito, nakatakda na rin sa June 26 ang pag-alis ni Buboy patungong South Korea para sa taping ng Kapusp reality-variety show na “Running Man Philippines.”

In fairness, hindi talaga siya nawawalan ng proyekto kahit na meron pa ring pandemya, “Thank God! Thank God!

“Ako naman e, ginagawa ko lang po ang best ko. Basta meron akong trabaho na ibinigay sa akin, gagawin ko lang po ang best ko du’n,” chika pa ni Buboy Villar na kumakayod nang husto para na rin sa kanyang mga anak.

https://bandera.inquirer.net/287132/buboy-villar-ginugulpi-noong-bata-isinumpa-ko-po-yung-tatay-ko-dati

https://bandera.inquirer.net/311121/herlene-budol-buboy-villar-naka-jackpot-na-naman-bakit-pinahaba-ang-exposure-sa-false-positive-nina-glaiza-at-xian

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294712/buboy-umaming-pwedeng-ma-in-love-kay-kiray-stephan-estopia-super-selosong-dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending