Buboy gagawin lahat para matalo ang mga kalaban sa 'Running Man': Kaya ko silang laruin at paikutin sa mga palad ko | Bandera

Buboy gagawin lahat para matalo ang mga kalaban sa ‘Running Man’: Kaya ko silang laruin at paikutin sa mga palad ko

Ervin Santiago |June 27,2022
facebook
share this

Buboy gagawin lahat para matalo ang mga kalaban sa ‘Running Man’: Kaya ko silang laruin at paikutin sa mga palad ko

Ervin Santiago - June 27, 2022 - 07:41 AM

Angel Guradian, Kokoy de Santos, Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales at Buboy Villar

MAGKAKAHALONG excitement, kaba at lungkot ang nararamdaman ng lahat ng Kapuso stars na involved sa reality show na “Running Man Philippines.”

Ito ang Pinoy version ng hit Korean show na “Running Man” kung saan rarampa at maglalaban-laban sina Buboy Villar, Ruru Madrid, Mikael Daez, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Glaiza de Castro.

Two months mag-i-stay sa South Korea para sa taping ng “Running Man Philippines” ang cast and production at nakatakda na silang umalis ngayong weekend.

In fairness, handang-handa nang sumabak at makipaglaban ang grupo nina Mikael at Glaiza sa mga challenges na ipagagawa sa kanila sa reality show.

Sa naganap na virtual mediacon ng “Running Philippines Philippines”, inamin ni Buboy na siguradong mangungulila siya sa kanyang dalawang anak kapag umalis na siya ng Pilipinas.

Kaya naman sinusulit na niya ngayon ang mga araw na nalalabi bago siya lumipad pa-Korea.

“Daddy rin ako. Sinusulit ko yung family time ko sa son and daughter ko. Kakauwi lang ng panganay ko so, talagang mami-miss ko siya kasi kung kailan naman siya nakauwi galing sa Amerika, saka naman yung pag-alis ko so, ganoon talaga.

“Sacrifice muna ngayon, Running Man naman ito at babalik naman ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


“Ang gusto ko lang naman, maitawid ko, mapasaya namin yung mga taong sumusuporta sa Running Man. Yun ang pinaka-goal namin,” litanya ng Kapuso comedian sa presscon na ginanap last Friday, June 24.

Ang saya-saya ng naganap na online mediacon ng “Running Man Philippines” dahil talagang naglalaglagan na ang mga contestants hindi pa man nagsisimula ang laban.

Ayon sa cast, si Buboy ang itinuturing nilang “dark horse” sa show kaya talagang babantayan daw nila ang komedyante nang bonggang-bongga sa bawat episode na gagawin nila.

Ang reaksyon naman ni Buboy,  “Hindi sila nagkakamali. Tama lang ang pinagsasasabi nila na dapat nila akong bantayan.

“Kasi kapag hindi nila ako nabantayan, bigla na lang akong mawawala sa paningin nila. Gumagawa na ako ng paraan para kung paano makakalamang kasi alam ko naman na hindi lang effort… katulad ng sinabi ni Glaiza, hindi lang ito basta physical.

“Kumbaga, magtitiwala ako sa sarili ko kasi alam ko kung anong mga gagawin ko. Kung sino ang mga kakausapin ko kasi magaling akong magsalita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, feeling ko, kaya ko silang laruin lahat. Kaya ko silang paikutin sa mga palad ko,” pahayag ni Buboy.

Buboy Villar ginugulpi noong bata: Isinumpa ko po yung tatay ko dati…

Buboy Villar sinorpresa ni Jelai Andres: Ano to suhol para ma-inlove ako sa ‘yo?

Buboy Villar sa bonggang transformation ni Herlene Budol: Huwaw! Ibang-iba ka na ngayon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending