Sylvia Sanchez pinagtripan si Ice Seguerra habang tulog, netizens tawang-tawa: ‘Grabe talaga kayong magkulitan!’ | Bandera

Sylvia Sanchez pinagtripan si Ice Seguerra habang tulog, netizens tawang-tawa: ‘Grabe talaga kayong magkulitan!’

Pauline del Rosario |January 14,2023
facebook
share this

Sylvia Sanchez pinagtripan si Ice Seguerra habang tulog, netizens tawang-tawa: ‘Grabe talaga kayong magkulitan!’

Pauline del Rosario - January 14, 2023 - 11:08 AM

Sylvia Sanchez ibinandera ang sleeping video ni Ice Seguerra, netizens tawang-tawa: ‘Grabe talaga kayong magkulitan!’

PHOTO: Screengrab from Sylvia Sanchez IG post

GOOD vibes ang hatid ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez sa social media matapos pagtripan ang OPM icon na si Ice Seguerra.

Sa Instagram ni Sylvia, mapapanood ang isang kwelang video na ipinapakitang nasa bus silang dalawa at tulog na tulog si Ice sa kanyang tabi.

Nagising naman bigla ang singer at nagulat sa camera na nasa harap niya.

Kahit nga si Sylvia ay natatawa sa ipinost niya at ang nakalagay lang sa kanyang caption ay puro tawa at laughing emojis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Libo-libong netizens na ang napa-comment sa Instagram post ng aktres at tawang-tawa.

Narito ang nabasa naming mga komento:

“Nakabawi din! (laughing emoji)”

“Hahahahahahaha! Aliw! Ang tindi ng bawi (laughing emoji)”

“Gantihan tlg kayo lagi mag ina ha (laughing emojis) ang sweet nyo (flying kiss emoji)”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkulitan sa social media ang dalawa.

Kung maaalala ay nag-viral noong nakaraang buwan ang pagiging third wheel ni Sylvia sa mag-asawang Ice at Liza Diño.

Makikita sa nasabing post ang isang sweet photo na naghahalikan ang couple, habang nasa isang gilid naman ang batikang aktres na tila ay hindi natutuwa sa dalawa.

Asar pa ni Ice sa post, “Happy anniversary, my love!!! Parang nagsisisi na yung kasama natin o?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)

May comment din naman si Sylvia at naikwento nga niya na hindi siya aware na anibersaryo pala ng dalawa.

Ayon pa kay Sylvia, ang akala niya ay magkakaroon lang sila ng meeting para sa upcoming concert ni Ice.

Saad sa komento ng aktres, “Kasi wala naman kayong sinabi na anniversary niyo eh. 

“Ang sinabi nyo mtg sa waterfront para sa #becomingice na concert sa feb 18,2023 sa Cebu City.”

Patuloy pa niya, “Malay ko bang may ganyang eksenang tukaan kayo ng tukaan dahil anniversary niyo pala. Next time klaruhin niyo ha (angry emoji)(laughing emoji)”

Nag-reply naman si Liza at sinabing, “nagtrabaho naman tayo dibaaaa? Lab you nay. Thanks for sharing this day with us.”

Sagot naman sa kanya ni Sylvia, “Sige, happy anniversary na (wine glass emoji) Love u both (kissing emoji) Tatakpan ko nalang maya tenga ko, hala!!! magkatabi pa naman kwarto natin sa bahay ahahaha.”

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sylvia Sanchez tinupad ang pangako sa mga drag queen: ‘Mahal ko ang LGBTQ, gusto ko silang ipagmalaki sa buong mundo!’

Ice Seguerra, Liza Diño, Sylvia Sanchez mas pabobonggahin ang mga drag queen sa 2023

Sylvia Sanchez naging third wheel nina Ice Seguerra-Liza Diño, netizens tawang-tawa: ‘Ang cute niyo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending