Sylvia Sanchez tinupad ang pangako sa mga drag queen: 'Mahal ko ang LGBTQ, gusto ko silang ipagmalaki sa buong mundo!' | Bandera

Sylvia Sanchez tinupad ang pangako sa mga drag queen: ‘Mahal ko ang LGBTQ, gusto ko silang ipagmalaki sa buong mundo!’

Ervin Santiago |January 12,2023
facebook
share this

Sylvia Sanchez tinupad ang pangako sa mga drag queen: ‘Mahal ko ang LGBTQ, gusto ko silang ipagmalaki sa buong mundo!’

Ervin Santiago - January 12, 2023 - 08:10 AM

Sylvia Sanchez tinupad ang pangako sa mga drag queen: 'Mahal ko ang LGBTQ, gusto ko silang ipagmalaki sa buong mundo!'

Liza Dino, Sylvia Sanchez, Ice Seguerra at ang Divine Divas

GUSTONG ibandera ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez ang natatanging galing at world-class talent ng mga drag queen sa buong universe.

Isa na ring producer ngayon ang nanay nina Congressman Arjo Atayde at Ria Atayde at isa sa mga sa mga unang pasabog nga ng kanilang Nathan Studios ay ang upcoming “Divine Divas Live” concert.

Bibida rito ang “Drag Queen Philippines” season one winner na si Precious Paula Nicole kasama sina Vina’s Deluxe at Brigiding.

Sa naganap na Fire and Ice Media Production (pag-aari nina Ice Seguerra at Liza Diño) at Nathan Studio presscon, sinabi ni Sylvia na nais niyang makilala ang grupo nina Precious Paula Nicole sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Naniniwala ako kaya pumayag ako nu’ng sinabi nina Ice na, ‘Nay, produce tayo ng ganito. Gusto mo ba?’ Nag-yes kagad ako. You know why? Kasi may paniniwala ako at bilib ako sa mga LGBTQIA+.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Divine Divas (@divinedivasph)


“Kaya nandito ako ngayon sa harap niyo, gusto ko silang ipagmalaki sa buong mundo actually,” sabi ni Ibyang na matagal nang tumutulong sa LGBTQ community.

Pagpapatuloy pa niya, “Huwag tayo mag-neglect ng mga ganitong tao dahil no matter what, tao yan. Kailangan natin silang mahalin at higit sa lahat, baka yung nangmamaliit sa kanila sa kanilang lahat, talo nila at mas magaling sila du’n sa mga ‘yun. ‘Yun ‘yung gusto kong makita rin. Na kahit sino ka, kahit ano ka, dapat tanggapin ka,” aniya pa.

“Ang Divine Divas ay isang malaking dahilan para magdiwang  at magpasalamat tayong lahat. Unti-unti na tayong bumabangon kaya todo ratsada at todo ariba tayo sa pagtatrabaho sa darating na 2023.

“Magkalat tayo ng good vibes at kaligayahan kaya naman nandito tayong lahat at kapit-bisig tayo sa pagpapalaganap ng love this 2023.

“Kaya naman eto na tayo sa unang pasabog ng Fire and Ice at Nathan Studios for 2023.

“Magkikita tayo sa New Frontier theater sa February 10 para sa big concert ng Divine Divas. Mabuhay ang mga drag queens at happy New Year at God bless sa ating lahat!” masayang pahayag pa ni Sylvia.

Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

Drag queens mula sa Baguio na nabiktima ng scam todo-pasalamat kay Rabiya: May pa-condo na, may palafang pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mommy Divine ipinagtanggol ng empleyado sa isyung kinasasangkutan: ‘Mabait naman siya’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending