Drag queens mula sa Baguio na nabiktima ng scam todo-pasalamat kay Rabiya: May pa-condo na, may palafang pa | Bandera

Drag queens mula sa Baguio na nabiktima ng scam todo-pasalamat kay Rabiya: May pa-condo na, may palafang pa

Ervin Santiago |October 31,2022
facebook
share this

Drag queens mula sa Baguio na nabiktima ng scam todo-pasalamat kay Rabiya: May pa-condo na, may palafang pa

Ervin Santiago - October 31, 2022 - 08:08 AM

Drag queens mula sa Baguio na nabiktima ng scam todo-pasalamat kay Rabiya: May pa-condo na may palafang pa

Rabiya Mateo at ang ilang drag queens na na-scam

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng mga drag queens mula sa Baguio City sa Kapuso actress at TV host na si Rabiya Mateo.

Ito’y dahil sa kabutihang-loob ng beauty queen na nagpakita ng malasakit at nagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nabiktima ng scam at ng Budol-Budol Gang.

Si Rabiya ang nagpatuloy sa kanyang sariling condominium unit sa Taguig City sa mga drag queen matapos ma-scam sa uupahan sana nilang bahay na gagamitin para sa paghahanda sa pupuntahang Drag Cartel.

Ang Drag Cartel ay isang drag competition na ginaganap every last Thursday of the month sa BGC, Taguig City.

Sa Facebook account ni Carlo Arambulo Velasco, ang isa sa mga drag queen na tinulungan ni Rabiya, ibinahagi niya sa publiko na maayos na ang sitwasyon nila ngayon nang dahil sa pagtulong sa kanila ni Rabiya.

“Yes, tama po kami po yung na scam ng AirnB dito sa Facebook from Baguio City and stress na kami lahat-lahat that time but no worries OKAY NA PO KAMING LAHAT.

“AND THANK YOU SO MUCH to our Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa lahat ng tulong mo napakabuti mo inside out huhuhu.

“Queen things talaga guys pramis pati sa lahat ng gamit at pagkain na pwede niya i-offer binigay niya and binooked pa kami sa isang condo unit bayad nya lahat ‘yun,” pahayag ni Carlo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Grabe raw talaga ang ipinakitang concern sa kanila ng Kapuso star dahil kahit maayos na raw ang sitwasyon nila ngayon ay patuloy pa rin silang kinukumusta ni Rabiya.

“Nakakatuwa until now nagpapa-update siya (Rabiya) if kumusta kami and i-PM lang namin siya if we need help,” aniya pa.

Nauna rito, ibinahagi nga ng isang nagngangalang Peabo Bryson Orilla ang nangyari sa mga drag queens, “BGC area! Mabuhay! Yung Baguio Queens kasama yung reigning queen na scam ng AirBnB nila. Walang matuluyan kahit pag aayusan lang for Drag Cartel mamaya. They need help.”

Sinagot naman ito ni Rabiya ng,  “Ilan po sila? They can stay at my place sa bgc. Not that big pero they are welcome po ”

Kamakailan ay napanood sa Kapuso drama anthology na “Magpakailanman” ang inspiring life story ni Rabiya kung saan ibinahagi ang humble beginnings ng beauty queen.

Napapanood din siya araw-araw sa “TiktoClock” ng GMA tuwing umaga kasama sina Kim Atienza at Pokwang.

Nadine tuloy ang concert para sa mga Golden Gays, drag queens: You are loved and valued!

Kim walang nagawang sablay para tsugihin sa ‘Showtime’; Andrea nagpaka-drag queen

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie tinawag na scammer ng bagong-panganak na ginang: Sige scam pa! Manloko ka pa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending