Mommy Divine ipinagtanggol ng empleyado sa isyung kinasasangkutan: 'Mabait naman siya' | Bandera

Mommy Divine ipinagtanggol ng empleyado sa isyung kinasasangkutan: ‘Mabait naman siya’

Therese Arceo |December 20,2022
facebook
share this

Mommy Divine ipinagtanggol ng empleyado sa isyung kinasasangkutan: ‘Mabait naman siya’

Therese Arceo - December 20, 2022 - 12:56 PM

Mommy Divine ipinagtanggol ng empleyado sa isyung kinasasangkutan: 'Mabait naman siya'
SA kabila ng kontrobersyang kinasasangkutan ni Mommy Divine Geronimo dahil sa reklamo ng kanyang empleyado, mayroon pa ring mga taong nakakakilala at nagtatanggol sa kanya.

Matatandaang kamakailan ay ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update” ang hinaing ng dating tauhan ng ina ni Sarah Geronimo ptungkol sa hindi makataong pagtrato nito sa mga empleyado.

At kahapon, December 19, nagbigay uli ng update ang talent manager patungkol sa reklamo ng empleyado laban kay Mommy Divine.

Pormal na nga raw itong nagsampa ng reklamo sa Department of Labor and Employment hinggil sa mga labor violations ng ina ni Sarah sa mga empleyado at magaganap nga ang virtual hearing sa January 5 at 12.

Sinabi pa nga ng complainant na hindi siya magpapa-areglo at ginagawa niya ito para hindi na mangyari sa iba pang empleyado ni Mommy Divine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)

Isang empleyado naman ang nakipag-ugnayan kina Ogie Diaz at Mama Loi para dipensahan naman si Mommy Divine sa mga akusasyong ibinabato laban sa kanya.

“Aniya, ang naturang complainant ay nagtrabaho na dati sa mga Geronimo bilang family driver at umalis ito nu’ng una,” pagbabahagi ni Mama Loi.

Pagpapatuloy niya, “Ngunit nakiusap na bumalik sa kanyang na pinagbigyan naman daw nina Mommy Divine. Subalit makalipas ang limang buwang pamamasukan ay bigla na naman itong umalis nang walang paalam. Iniwan lang daw ang susi at sinabing resigned na siya at babalikan na lamang niya ang kanyang mga gamit.”

Sinabi rin ng empleyado na marami rin daw mga violations ang nasabing driver at mayroon daw silang record ng mga ito.

Bukod rito, pinabulaanan rin ng naturang empleyado na hindi naka-hold ang last pay at gamit nito dahil sa katunayan, ready daw po ito na makuha at may notice daw si Mommy Divine na personal sana itong kunin ng driver dahil may mga kailangang ibawas na mga pagkakautang ang nasabing driver dati sa mga kasamahan sa trabaho na naghihintay din sa kanyang pagdating.

“Ang driver daw ay fixed ang monthly rate kaya hindi totoo na hindi bayad 31st day of the month dahil nga hindi naman daw arawan ang bayad sa kanya,” sey pa ng empleyado.

Nilinaw rin nito ang isyu ng sa delayed na pasahod dahil kung may pagkakataong mahuli man daw ang bigayan ay isang araw lamang ito sa kadahilanang minsan ay nasa farm daw sina Mommy Divine ngunit nagsasabi naman ito sa mga empleyado kung mangyayari ito.

Dagdag pa nito, “Mabait naman si Mommy Divine at hindi naman daw maiaalis na may mga empleyado din sa pasaway paminsan-minsan.”

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng ina ni Sarah hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Related Chika:
Mommy Divine inirereklamo raw ng kanyang mga empleyado ayon kay Ogie Diaz: Hindi ko lang ‘to first time narinig

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sarah nakipag-ayos na kay Mommy Divine, tanggap na kaya ng pamilya Geronimo si Matteo?

Matteo hinangaan ng netizens sa Mother’s Day message para kay Mommy Divine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending