Mommy Divine inirereklamo raw ng kanyang mga empleyado ayon kay Ogie Diaz: Hindi ko lang ‘to first time narinig | Bandera

Mommy Divine inirereklamo raw ng kanyang mga empleyado ayon kay Ogie Diaz: Hindi ko lang ‘to first time narinig

Reggee Bonoan |December 17,2022
facebook
share this

Mommy Divine inirereklamo raw ng kanyang mga empleyado ayon kay Ogie Diaz: Hindi ko lang ‘to first time narinig

Reggee Bonoan - December 17, 2022 - 11:01 PM

Mommy Divine inirereklamo raw ng kanyang mga empleyado, ayon kay Ogie Diaz: Hindi ko lang ‘to first time narinig
SA Showbiz Update YouTube channel nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs ay tinalakay nila ang umano’y reklamo ng empleyado ng isang mommy ng kilalang singer na hindi pa nila binanggit kung sino pero nadulas ang una at ito’y si Mommy Divine Geronimo, ang ina ni Sarah Geronimo-Guidicelli.

Ang mga reklamo ng nasabing empleyado ay ang mga sumusunod na binasa ni mama Loi dahil siya ang ka-chat.

Violations sa labor code:

Hindi bayad ang 31st ng buwan kung meron kahit nagtrabaho ng araw na ‘yun.
Walang overtime pay.
Walang double pay.
Delayed ang sahod.
No restday kahit magpa-approve ka hindi niya pinapansin.
Hindi nagbabayad ng government mandated benefits
Hino-hold ang tao pag gusto nang umalis ayaw payagan agad.
Ginigising ang tao kahit oras ng pahinga para lang magbaba ng dala niya.
PInapakain ang mga tao niya ng paa ng manok paulit-ulit at ulo ng manok
Hindi pagpansin kahit maysakit ang tao
Kagaya nito hindi na naman siya nagpasahod kahapon (December 15).“‘Yung ibang mga tao dahil hindi na nakayanan ang palakad nu’ng mommy ay nag-alisan na dahil below minimum din ‘yung pinapa-sahod,”sabi pa ni mama Loi.

Dagdag din ni Ogie, “At may mga empleyado rin na hindi nila makuha ang kanilang mga gamit dahil ang sabi raw ni mommy Divine, ay ano bay an ba’t nasabi ko (sabay hawak sa magkabilang pisngi at tinakpan ang mukha).”

“Ah sinabi mon a, ha, ha, ha nagulat ako nasabi mon a (pangalan ni mommy Divine),” tumatawang sabi ni mama Loi.

Patuloy ni Ogie, “ang inirereklamo nga raw po ay ang mommy ni Sarah Geronimo si mommy Divine na meron pang isang empleyado na gusto na niyang makuha ang mga gamit pero ayaw pumayag ni mommy Divine. Actually, ang haba-haba po ng reklamo oh, (pinakita sa video ang mahabang usapan ng empleyado at ni mama Loi) at hindi pa tapos ang conversation nila.

“Meron pang in-screen shot itong tauhan para patunayan sa amin na talagang meron silang (mommy Divine) conversation at sabi nga rito na bawal kunin ng may=aria ng gamit dahil kailangang makipag-appointment bago makapasok at makuha ang gamit niya. At isang regulasyon ng kumpanya bawal kunin ng ibang staff ang salary ng nagma- may ari ng sahod.”

Nabanggit pa ng empleyado na ipinaliliwanag nito na bakit kailangang ipagbawal na kunin nito ang sahod na delay at sinabi ring bilang may-ari ay wala raw karapatang na i-hold ang sahod ng empleyado. Hindi rin puwedeng pakialaman ng may-ari ng kumpanya ang gamit ng empleyado dahil violation of privacy ito as per DOLE.

“So, matagal na silang nagre-reklamo kay mommy Divine, pero matigas daw si mommy Divine at ang patakaran daw niya ay pumunta kayo at magpa-appointment muna kayo bago ko ibigay ang sahod ninyo at bago ko ibigay ang mga gamit ninyo,”say ni Ogie base sa nabasa niyang kuwento ng empleyado

Dagdag pa, “merong instance na may overtime sila pero wala silang overtime pay. Si mommy Divine raw ay ipapasundo ‘yung masahista at hihintayin ‘yung masahista matapos ng 2AM para siguro ihatid, wala pa rind aw sahod ‘yun.

“Actually, hindi ko lang ‘to first time narinig Loi, meron pa ‘yung dati pa na hindi ko lang pinansin, hindi ko mahanap dito na meron ding nagre=reklamo kay mommy Divine nga. Nu’ng una nagduda kami, but since nagduda kami ibibigay namin ang benefit of the doubt kay mommy Divine kasi baka naman masyado siyang hinuhusgahan.

“Minsan merong mga ganu’n na ang ikukuwento nila ay ‘yung mga ginawa nila pero ‘yung mga ginawa nilang hindi maganda, hindi na nila ikukuwento.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)

“Siguro mas maganda na harapin ito ni mommy Divine kasi siyempre mahirap nap o ito lalo na sa panahon ngayon.

“Mommy Divine Geronimo, baka ipa-Tulfo po kayo ng inyong empleyado na nagre-reklamo sa inyo. Mas maganda na ayusin nap o natin ito para sa ganu’n ay siyempre para makapamuhay lahat ng maayos, di ba? Mommy Divine puwede po kayong magsalita para malinawan ito.”

Bukas ang BANDERA sa panig ni mommy Divine Geronimo o ng kampo niya.

Related Chika:
Sarah nakipag-ayos na kay Mommy Divine, tanggap na kaya ng pamilya Geronimo si Matteo?

Sarah Geronimo nag-sorry kina Mommy Divine at Daddy Delfin: Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matteo hinangaan ng netizens sa Mother’s Day message para kay Mommy Divine

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending