Sarah nakipag-ayos na kay Mommy Divine, tanggap na kaya ng pamilya Geronimo si Matteo? Bandera

Sarah nakipag-ayos na kay Mommy Divine, tanggap na kaya ng pamilya Geronimo si Matteo?

Ervin Santiago |March 15,2021
share this

Sarah nakipag-ayos na kay Mommy Divine, tanggap na kaya ng pamilya Geronimo si Matteo?

Ervin Santiago March 15, 2021 - 09:52 AM

NAGKABATI na nga ba ang mag-inang Sarah Geronimo at Mommy Divine?

Feeling ng mga Popsters, okay na okay na uli ngayon ang magnanay matapoe makita ang mga bagong  post ng singer-actress sa kanyang Instagram Stories nitong nagdaang weekend.

Ito ang unang IG post ni Sarah mula nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan nang magpakasal sila last year ni Matteo Guidicelli.

Limang sunud-sunod na litrato ang ibinahagi ng Popstar Royalty sa kanyang fans and followers kung saan ipino-promote nito ang mga organic products na nagmula sa farm ni Mommy Divine.

Sa bawat litrato ng mga gulay at prutas ay may caption na, “Freshly harvested organic fruits and vegetables from my Mama’s farm. Order now.”

Siyempre, tuwang-tuwa naman ang mga loyal supporters ng Kapamilya singer-actress at sana nga raw ay totoong nagkaayos na ang mag-ina para mas maging blessed pa raw ang pagsasama ng Popstar Royalty at ng asawa nitong si Mateo.

Kung matatandaan, naging hot topic naman sa social media ang malawak at napakagandang farm ng pamilya ni Sarah sa Tanay, Rizal.

Ang mga inaaning produkto sa nasabing farm ang inihahain naman sa restaurant na pag-aari rin ng kanilang pamilya, ang Geronimo’s Cafe and Restaurant na matatagpuan sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Nagpakasal sina Sarah at Mateo noong Feb. 20, 2020, sa isang civil wedding ceremony na ginanap sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City.

Naging kontrobersyal pa nga ang sinasabing “secret wedding” ng AshMatt dahil sa gulong nangyari nang biglang dumating sa venue si Mommy Divine kasama ang bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara.

Balitang hindi pabor ang nanay at pamilya ni Sarah sa pagpapakasal nito kay Matteo. Ngunit sa kabila nga ng pagkontra ng nga ito, itinuloy pa rin ng dalawa ang kanilang wedding.

Sa isang interview, sinabi naman ni Matteo na umaasa siya na darating din ang tamang panahon na magsasama-sama ang pamilya nila  ni Sarah para sa isang bonggang  family gathering o salu-salo.

“Oh, my gosh, I imagine it all the time. I imagine it all the time. Not just for me but, obviously, of course, primarily for my wife. But also for my family, my parents.

“I believe our parents raised us up and worked so hard for us that, one day, they could marry a woman and man, and two families combined, di ba, having a drink together and pasta together.

“I think that’s our family’s dream. One day, one day it will happen,” sabi ng aktor.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending