Sylvia Sanchez naging third wheel nina Ice Seguerra-Liza Diño, netizens tawang-tawa: ‘Ang cute niyo’ | Bandera

Sylvia Sanchez naging third wheel nina Ice Seguerra-Liza Diño, netizens tawang-tawa: ‘Ang cute niyo’

Pauline del Rosario - December 09, 2022 - 12:12 PM

Sylvia Sanchez naging third wheel nina Ice Seguerra-Liza Diño, netizens tawang-tawa: ‘Ang cute niyo’

PHOTO: Instagram/@iceseguerra

GOOD vibes ang recent social media post ng OPM icon na si Ice Seguerra.

MARAMING netizens kasi ang tawang-tawa matapos ibandera ng singer sa Instagram ang isang sweet photo na naghahalikan sila ng asawang si Liza Diño, habang nasa isang gilid naman ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez na tila ay hindi natutuwa sa dalawa.

Caption pa ni Ice, “Happy anniversary, my love!!! Parang nagsisisi na yung kasama natin o?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)

May comment din naman si Sylvia sa nasabing IG post at naikwento nga ng aktres na hindi siya aware na anibersaryo pala ng dalawa.

Ayon pa kay Sylvia, ang akala niya ay magkakaroon lang sila ng meeting para sa upcoming concert ni Ice.

Saad sa komento ng aktres, “Kasi wala naman kayong sinabi na anniversary niyo eh. 

“Ang sinabi nyo mtg sa waterfront para sa #becomingice na concert sa feb 18,2023 sa Cebu City.”

Patuloy pa niya, “Malay ko bang may ganyang eksenang tukaan kayo ng tukaan dahil anniversary niyo pala. Next time klaruhin niyo ha (angry emoji)(laughing emoji)”

Nag-reply naman si Liza at sinabing, “nagtrabaho naman tayo dibaaaa? Lab you nay. Thanks for sharing this day with us.”

Sagot naman sa kanya ni Sylvia, “Sige, happy anniversary na (wine glass emoji) Love u both (kissing emoji) Tatakpan ko nalang maya tenga ko, hala!!! magkatabi pa naman kwarto natin sa bahay ahahaha”

Pati ang ilang netizens ay napa-comment din sa conversation ng dalawa at hindi napigilang matuwa sa kwelang post.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Lagi ka nalng victim Miss Sylvia (laughing emoji)”

“hahaha love it nakaka good vibes (laughing emoji)”

“ang kyut ng reaction ni Ms. Sylvia (red heart emoji)(laughing emoji)”

Ibinahagi rin ni Liza sa kanyang Instagram ang kaparehong picture sa post ni Ice at sinabi pa na gusto lang nila makasama ang batikang aktres sa kanilang date.

Caption ni Liza sa kanyang post, “For the first time, hindi ako ang parang nanay na nakabantay sa picture (laughing emoji).

“Nay Sorry na, kung di namin nasabing anniversary namin. Gusto ka lang namin talaga makasama. Lab yu! (red heart emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino)

Matatandaan noong December 2014 nang ikinasal sina Ice at Liza sa Amerika.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ice Seguerra, Jona, Zephanie, Regine Tolentino may mga pasabog sa 5th EDDYS ng SPEEd

Ice Seguerra inalala ang pagkamatay ng tatay: 2 taon mula nu’ng nauna ka para makipag-mahjong at bidyoke sa langit

Liza Diño ang ‘Darna’ at ‘Wonder Woman’ ni Ice Seguerra: Siya ang nagpasayaw, nagpaiyak at nagpabirit sa akin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending