Kylie Verzosa inaming hindi na sila nagkakausap ni Jake Cuenca: Pahinga muna ang puso, work muna | Bandera

Kylie Verzosa inaming hindi na sila nagkakausap ni Jake Cuenca: Pahinga muna ang puso, work muna

Reggee Bonoan |April 25,2022
facebook
share this

Kylie Verzosa inaming hindi na sila nagkakausap ni Jake Cuenca: Pahinga muna ang puso, work muna

Reggee Bonoan - April 25, 2022 - 03:10 PM

Jake Cuenca at Kylie Verzosa

HINDI na nakaiwas si Kylie Verzosa sa mga tanong ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Cuenca.

Sa ginanap kasing mediacon ng pelikulang “Ikaw Lang Ang Mahal” kasama sina Cara Gonzales at Zanjoe Marudo ay hindi sinagot ng beauty queen actress ang tanong kung hiwalay na sila ni Jake pero base naman sa facial expression niya at pagtanggi niyang sagutin ay given na rin.

Pero siyempre ang hinahanap ng publiko ay ‘yung manggagaling mismo sa bibig ng dalawa na ginawa naman ni Jake pagkatapos ng mediacon ni Kylie kung saan kinumpirma nga ng aktor ang tungkol sa breakup sa pamamagitan ng Instagram.

Sa campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na ginanap sa Macapagal Avenue, Pasay City ay na-corner ni Ogie si Kylie.

“At least nakakangiti ka na ngayon hindi na broken si Kylie,” bati ni Ogie sa dalaga na tawa naman nang tawa.

Sunod na tanong kung pahinga muna ang puso ni Kylie, “Pahinga muna ang puso, pahinga muna. Work muna, balik work.”

“Ano ang wish mo sa mga magsing-irog na pareho ng pinagdaraanan mo?” tanong ulit ni Ogie.

“Feeling ko kasi ano, eh…kailangan ng malalim na…(nag-iisp) whew! Ha-hahaha!” tumatawang-naiiyak na sabi ni Kylie. “Parang hindi ako handa dito, impromptu naman ‘to.  Kaya n’yo ‘yan!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Sabi na lang ni Ogie, “Basta happy ka, ‘yun lang naman ang importante. Unti-unting nakaka-move on ka, ‘yun ang importante.”

“Thank you, thank you. Take it a day at a time tapos feeling ko time will heal all wounds. Saka nagpapasalamat ako sa lahat ng nangyari,” sagot ni Kylie.

Sa tanong kung nagkita na sila ni Jake ay umiling ang dalaga, “Hindi kasi kami nag-uusap.”

Umiling ulit si Kylie na ibig sabihin ay ayaw muna niyang magkita sila ng dating boyfriend at magpo-focus na lang muna siya sa career at trabaho.

Sabi pa ni Ogie, “Dapat talaga meron kang karga para makaarte ka nang bonggang-bongga.”

“Totoo! Totoo!” sabi kaagad ni Kylie.

“May movie po kaming palabas, Ikaw Lang Ang Mahal nasa Facebook na po ‘yung trailer with Zanjoe Marudo under Viva (Films),” pagtatapos ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie Verzosa handang isugal ang buhay para sa magandang pelikula ngayong pandemya

Paghuhubad ni Kylie sa pelikula inookray: I’m an actress at meron pa akong pwedeng ipakita

Aiko Melendez ‘ang babaeng walang pahinga’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending