Janno tinablan ba sa 'threesome love scene' kasama sina Maui at Rose Van sa '69+1'? | Bandera

Janno tinablan ba sa ‘threesome love scene’ kasama sina Maui at Rose Van sa ’69+1′?

Ervin Santiago |August 11,2021
facebook
share this

Janno tinablan ba sa ‘threesome love scene’ kasama sina Maui at Rose Van sa ’69+1′?

Ervin Santiago - August 11, 2021 - 11:11 AM

Maui Taylor, Janno Gibbs at Rose Van Ginkel

MARAMI nang nagawang sex-comedy film ang TV host-actor na si Janno Gibbs pero ang “69+1” daw ang pinakamatindi at pinaka-bold sa lahat ng mga naging pelikula niya.

Sa trailer pa lang ng bago na namang movie ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap, ay naiskandalo na agad ang nakapanood nito dahil sa nakakaloka at bulgarang dialogue.

Kaya tulad ng mga past movies ni Direk Darryl (ang huli nga ay itong Revirgined ni Sharon Cuneta) ay naging hot topic na naman ang  “69+1” sa social media lalo na ang  linyang, “Puwede mo kaming kan***in nang sabay.”

Sa kuwento ng pelikula, gaganap si Janno bilang “third party” sa lesbian couple na pino-portray nina Maui Taylor at Rose Van Ginkel. And yes, may mga hubaran, halikan at mga love scene silang ginawa rito.

Ngunit ayon sa taong bida, hindi naman daw malaswa ang ipinagawa sa kanila ni Direk Darryl. Sey ni Janno, “May love scenes na kaming tatlo ang magkakasama, but the thing is it’s all presented in a comedic way kaya mas nakampante ako. Hindi naman siya yung serious na sexy.

“Sa shooting naman, shooting those scenes was comfortable enough because the three of us know each other. We’ve worked together before at medyo naging friends na rin kami.

“They’re very professional, sobrang daling gawin yung scenes because they’re one hundred percent dedicated to the film,” sabi ng beteranong komedyante.

Aniya pa, wala raw siyang malisya habang kinukunan ang mga intimate scenes nila nina Maui at Rose, “Sa totoo lang, kapag nandoon ka na, artista lang ang makakaintindi nito, kapag nandoon ka na sa eksena na sensitive, naka-focus ka kasi maraming camera ang nakatutok sa ‘yo.

“Maraming tao ang nanonood, maraming ilaw, so hindi ka na makakaramdam ng malisya. Ikaw ba makakaramdam ng malisya, ang daming nakatutok?” pahayag pa ni Janno kasabay ng pagsasabing ito na ang pinakamatinding sex-comedy film na nagawa niya.

Samantala, inamin naman ni Janno na hindi niya ipinapanood sa kanyang pamilya ang mga pelikula niya na may mga sex scenes.

“Hindi ko ipinapanood sa kids ko at sa wife (Bing Loyzaga) ko. It’s different for me. I have daughters. Although naiintindihan nila, ‘but it’s awkward to actually watch your dad’s film,'” pahayag ng TV host-comedian.

Ang “69+1” ay tungkol sa lesbian couple na si Ivy (Maui) at Patricia (Rose) na malapit nang mag-celebrate ng kanilang 7th anniversary. Para malagpasan ang tinatawag na 7-year-itch, nagdesisyon sila na magpapasok ng lalaki sa kanilang relasyon, o ang tinatawag na throuple—tatlong tao sa isang relasyon sa loob ng isang taon. 

Makikilala nila si Apol (Janno), isang photographer na pasado sa lahat ng qualifications nila para sa isang lalake, at sa tingin nila ay hindi sila mai-in love o magiging attached dito. Magkakasama nilang aalamin kung ang isang polyamorous relationship ay para sa kanila o hindi. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na simula sa Sept. 2 ang “69+1” sa VivaMax.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending