Maui hindi kayang pasukin ang porn industry: I could earn by doing something else | Bandera

Maui hindi kayang pasukin ang porn industry: I could earn by doing something else

Reggee Bonoan |August 13,2021
facebook
share this

Maui hindi kayang pasukin ang porn industry: I could earn by doing something else

Reggee Bonoan - August 13, 2021 - 06:25 PM

Mahigit isang taon na ang COVID-19 pandemic at naka-tatlong beses nang mag-lockdown ang Metro Manila kaya ang mga nawalan ng trabaho ay kung anu-ano ang ginagawa para kumita at mabuhay kasama ang kanilang mga pamilya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may mga taga-showbiz industry ang nagbebenta na ng kanilang mga hubad na katawan sa online o tinatawag na private videos.

Kaya sa virtual mediacon ng pelikulang “69+1” ay natanong ang dating sexy star na miyembro ng Viva Hot Babes na si Maui Taylor kung ano ang take niya sa mga personalidad na gumagawa ng private videos.

“Puwede naman tayo kumita nang hindi ‘yung porn ‘yung pinapasok natin. I mean, oo, na ta-typecast ‘yung mga films (ko) sasabihin soft porn, porn. But you cannot classify that as that kasi wala namang penetration na nangyayari dito,” sagot ng aktres.

Hindi raw niya masisi ang ibang gumagawa nito dahil kailangan nga nilang mabuhay pero para sa kanya ay iisip siya ng ibang paraan para kumita kasi hindi niya kaya ang private videos.

“I could earn by doing something else. Puwede akong mag-office work. For me mas gagawin ko na lang ‘yun kaysa pasukin ko ‘yung porn industry. I think I would be happier feeding my family or my kids with clean money, not doing something like that. That’s my opinion lang naman,” paliwanag ni Maui.

Samantala, noong kabataan ni Maui ay aminado siyang marami siyang kalukahang ginawa sa larangan ng pag-ibig na sa sobrang pagmamahal niya sa boyfriend niya noon ay iyon na ang buhay niya.

Kuwento nito, “During my younger years, I actually left the house. That’s the wildest thing I ever did for love. Kasi feeling ko noong bata pa ako na in-love ako akala ko ‘yun na ‘yun. ‘Yun pala mali, buti na lang hindi. Nagpasalamat ako sa magulang ko at kinuha (binawi) ako dahil kung hindi I regret every single day.”

Sa edad na 38 ay happily married si Maui at may dalawang anak na lalaki na parehong kamukha niya.

Anyway, mapapanood ang “69+1” sa Vivamax sa Setyembre 3 mula sa direksyon ni Darryl Yap produced ng Viva Films at kasama rin sa pelikula sina Rose Van Ginkel at Janno Gibbs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending