Hugot ni Maui sa sex scenes nila ni Rose sa '69+1': Siyempre kapag bago, masarap... | Bandera

Hugot ni Maui sa sex scenes nila ni Rose sa ’69+1′: Siyempre kapag bago, masarap…

Ervin Santiago - August 17, 2021 - 09:06 AM

Rose Van Ginkel, Maui Taylor at Janno Gibbs

MATITINDI ang ginawang sex scenes nina Janno Gibbs, Maui Taylor at Rose Van Ginkel sa  pelikulang “69+1” ng Viva Films, directed by Darryl Yap.

Kaya nga nasabi ni Janno sa virtual presscon ng movie recently na wala siyang balak ipapanood ito sa kanyang mga anak dahil nga sa mga pinaggagawa niyang mga love scenes.

“Kahit matagal na ako sa industry, this is the most daring role that I’ve done. Most of the movies I’ve done were comedy, medyo naughty, but eto, mas level up pa,” sabi ng komedyante at TV host.

Sa tanong kung tinablan o nakaramdam siya ng malisya sa mga halikan at maiinit na eksena niya kasama si Maui, hindi raw dahil marami raw camera at mga taong nakatutok sa set.

Pero kinontra naman siya ni Maui, “Sa lahat ng mga leading man ko, nakaramdam ng malisya kahit maraming kamera, so hindi ko ma-justify yung sinasabi mo.”

Hirit namang tanong sa kanya ni Janno, ano raw ang naramdaman niya sa love scenes nila ni Rose na gumaganap na girlfriend niya sa “69+1”.

Mabilis na sagot ni Maui, “Siyempre kapag bago, masarap, ‘yan ang masasabi ko.”

Samantala, ito ang second time na nakatrabaho ni Maui si Rose, una silang nagkasama sa pelikulang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” na idinirek din ni Darryl Yap.

Natanong si Maui kung bakit pumayag siyang maging support sa movie ni Rose, “Ang dami ko nang nasuportahan sa mga launching film nila, and si Rose, kasama ko sa Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar.

“Nang sinabi sa akin ni Darryl Yap yung plano niya for Rose, siyempre natuwa ako for her. Kasi lahat naman ng mga artista, gustong dumating sa point na ma-launch sila and have their solo career.

“Ako naman, tapos na ako diyan. I’ve been there. So, ibigay natin itong moment na ‘to para kay Rose. Let’s let her shine on her own,” paliwanag ng sexy star.

Ibinuking din ni Maui sa presscon na madaling ma-stress si Rose lalo na kapag malapit nang kunan ang mga maseselang eksena nila kaya naman palagi nilang pinapayuhan ni Janno ang dalaga.

“Palagi ako nagga-guide kay Rose. I always tell her na, ‘If there’s anything that you don’t want to do, you can just say no.’ Pareho kami ni Kuya Janno ng advice sa kanya.

“It wasn’t, like before, wherein you had no choice. But now, you have a choice. You could always say no.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I always tell her, ‘You check first how it’s going to be done and if you cannot do it, just say no. It’s a simple as that,’” sey pa ni Maui.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending