Maui Taylor inamin ang dahilan kung bakit kasama pa rin ang ex-partner sa iisang bubong | Bandera

Maui Taylor inamin ang dahilan kung bakit kasama pa rin ang ex-partner sa iisang bubong

Therese Arceo |April 09,2023
facebook
share this

Maui Taylor inamin ang dahilan kung bakit kasama pa rin ang ex-partner sa iisang bubong

Therese Arceo - April 09, 2023 - 12:52 AM

Maui Taylor inamin ang dahilan kung bakit kasama pa rin ang ex-partner sa iisang bubong

AMINADO ang sexy actress na si Maui Taylor na single na siya ngunit nananatili pa rin sila sa iisang bubong ng kanyang dating partner.

Sa kanyang interview sa “Fast Talk With Boy Abunda” ay inamin niya kung ano ang dahilan kung bakit nga ba sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nananatili pa ring magkasama ang dalawa sa isang bahay.

“We are in the same house. It’s co-parenting. I know puwedeng mag-co-parent in separate houses. Pero kasi ‘yung panganay kasi is very close to me. ‘Yung bunso naman sa kaniya,” pagbabahagi ni Maui.

Dagdag pa ng sexy actress, ayaw niya raw paghiwalayin ang dalawang anak sa isa’t isa.

“Ayokong dumating sa point na paghihiwalayin ko ‘yung dalawang bata. Because nagtatanong ako eh sa panganay. ‘Mommy is gonna buy a new house. Are you gonna come with me?’ ‘Oh yes mommy I’m gonna go with you.’ Kumbaga si panganay, sasama at sasama talaga sa akin. ‘Yung bunso, wala, sa daddy niya,” lahad pa ni Maui.

At dahil nga nasa co-parenting set up sila ay napagkasunduan nila na bawal munang dalhin sa kanilang tirahan ang kanilang magiging karelasyon kung mayroon man para na rin sa mga bata.

Sey ni Maui, “And sabi ko bawal magpakilala. Huwag muna, kasi mako-confuse ‘yung kids. We participated as mom and dad.”

Aniya, ang dahilan raw ng kanilang paghihiwalay ng dating partner sy ang hindi nila pag-uusap sa mga bagay na kanilang pinag-aawayan.

“There was an existing problem kasi for the longest time. Kasi kami kapag nag-aaway kami, hindi namin siya pinag-uusapan. Biglang ‘Oh, okay na tayo.’ So ang nangyari ‘yung problemang ‘yun lumalim nang lumalim. Talagang sobrang lalim na ng hole na ‘yun na away-bati, away-bati. Dumating na kami sa point na, ‘Huwag na tayong mag-away.’ Pagod na kami, tama na ito,” pagbabahagi ni Maui.

Sa ngayon ay pinipili muna ng aktres na maging single at ayaw pa muna nitong pumasok sa panibagong relasyon.

Baka Bet Mo: Janno tinablan ba sa ‘threesome love scene’ kasama sina Maui at Rose Van sa ’69+1′?

Sa kabila ng desisyon na maging single muna ay may mga naririnig naman siyang chika na may bago nang karelasyon ang dating partner at ama ng kanyang mga anak.

Na-curious naman si Boy kung may pagkakataon o kung may chance pa na magkabalikan sila ng dating partner upang muking mabuo ang kanilang pamilya lalo na’t nakatira pa rin naman sila sa iisang bahay.

Ngunit mukhang buo na ang desisyon ni Maui na huwag na nilang subukan pa ang buiin muli ang kanilang pamilya.

“Ayoko na e,” pag-amin ng aktres.

Nitong Enero ngayong taon ay inamin ni Maui na hiwalay na sila ng dating karelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Hugot ni Maui  Taylor sa sex scenes nila ni Rose sa ’69+1′: Siyempre kapag bago, masarap…

Maui Taylor, Katya Santos nabuhay ang career dahil kay Coco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending