Maui Taylor, Katya Santos nabuhay ang career dahil kay Coco | Bandera

Maui Taylor, Katya Santos nabuhay ang career dahil kay Coco

Ambet Nabus - June 03, 2018 - 12:01 AM

“THIS country has produced and continues to produce the best singers in the world!” Ito ang very proud na ibinandera ni Mamita Pilita Corrales nang maging guest sa It’s Showtime bago ganapin kahapon ang finals tapatan sa Tawag Ng Tanghalan.

Naka-duet niya sa isang production number ang King of R&B na si Jay-R. In feyr, maganda pa rin ang boses ni Mamita at kering-keri pa rin niya ang lumiyad-liyad na naging tatak na niya bilang OPM icon.

Nakakatawa lang na during her interview by Anne Curtis, Jhong Hilario at Vice Ganda, tila mali-mali ang information na nakuha nila tungkol sa legendary singer.

“Hindi ako galing sa singing contest. Never akong naging kontesera,” sagot ni Mamita kay Anne na nagsabing bilang galing din sa singing search, ano kaya ang maipapayo niya sa mga contestants ng TNT?

Sinabi rin nitong iba ang paraan nang pagpili ng best of the best noon dahil mga hurado lang ang bumoboto unlike ngayon na may text votes.

Matagal na naging host ng Bagong Kampeon at Tanghalan Ng Kampeon si Pilita Corrales, bago pa ito naging hurado sa Pilipinas Got Talent.

Pero bilib na bilib naman daw siya sa sandamakmak na mahuhusay umawit sa TNT.

q q q

Nang dahil daw sa exposure nila sa seryeng Ang Probinsyano, muli silang nagkaroon ng karir sa showbiz.

Iyan ang suma total ng pasasalamat nina Katya Santos at Maui Taylor, kasama ang iba pang artistang matagal nang nawala sa eksena na muling nagkaroon ng career dahil sa teleserye ni Coco Martin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit daw kasi mga nanay na sila sa totoong buhay, masaya pa rin sila kapag naiimbitahan sa mga paliga at piyesta na usong-uso pa rin sa mga probinsya.

“Malaking bagay yung nakikita at napapanood nila kami sa TV. Malaki ang utang na loob namin kay direk Coco,” ayon kay Maui na kahit one-liner o facial reactions lang ang madalas nilang gawin sa teleserye ay masaya na sila basta ang mahalaga ay meron silang trabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending