Kuya Kim may naka-date na member ng Viva Hotbabes: Inuwi ko pa siya sa nanay at tatay ko! | Bandera

Kuya Kim may naka-date na member ng Viva Hotbabes: Inuwi ko pa siya sa nanay at tatay ko!

Ervin Santiago |December 30,2021
facebook
share this

Kuya Kim may naka-date na member ng Viva Hotbabes: Inuwi ko pa siya sa nanay at tatay ko!

Ervin Santiago - December 30, 2021 - 07:33 AM

Andrea del Rosario

KNOWS n’yo ba na may isang member ng Viva Hotbabes ang naka-date noon ng Kapuso TV host at Trivia Master na si Kim Atienza? 

Nabuking ang tungkol dito nang maging special guest sa morning talk show ng GMA 7 na “Mars Pa More” ang ilan sa mga dating miyembro ng sikat na sikat noon na all-female group na Viva Hotbabes.

Pero sino nga ba sa mga dating sexy stars na sina Gwen Garci, Andrea del Rosario at Jennifer Lee ang naging constant date ni Kuya Kim noong medyo bata-bata pa siya na talagang ipinakilala pa niya sa kanyang magulang? 

In fairness, kahit isa sa mga host ng Kapuso morning show si Kuya Kim ay hindi siya nakaligtas nang ma-hotseat sa “Tarantanong” segment ng programa.

Natanong ng mga co-host niyang sina Iya Villania at Camille Prats kung may bahid ba ng katotohanan na naging ka-date niya noon si Andrea.

Diretsahan namang sumagot ang TV host ng, “oo,” at talagang super proud daw siyang ibandera sa buong universe na naka-date niya si Andrea ilang taon na ang nakararaan.

Hirit naman nina Iya at Camille kay Andrea kung proud din ba siya na nagkaroon sila ng “past” ni Kuya Kim.

“Sige na nga proud na rin ako,” ang natatawang pag-amin ng dating sexy actress at former member ng Viva Hotbabes.

Kuwento pa ni Andrea, nangyari ang pagde-date nila ni Kuya Kim noong estudyante pa lamang siya.
Pag-alala naman ng TV host, nagsimula silang magkakilala ni Andrea noong nagpa-park na ng sasakyan sa bahay nila si Andrea. Ipinakilala raw sila sa isa’t isa ng kanilang common friend.

Ilang linggo lamang ang lumipas mula noon ay naging constant date na nga sila.

“I’m proud to say na inuwi ko pa sa nanay at tatay ko ‘yan (Andrea), ipinakilala ko ‘yan sa pamilya ko,” chika pa ni Kuya Kim.

Reaksyon naman ni Andrea, “Getting to know the fambam.” Dagdag pa ng aktres, nangampanya rin siya noon nang sumabak sa politika si Kuya Kim.

In fairness, kahit hindi raw nauwi sa seryosong relasyon ang kanilang pagsasama, napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan hanggang ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Kuya Kim may swabeng hirit kay Ogie Diaz; bawal ikampanya ang ama sa Eleksyon 2022

Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending