Vivamax bombshell Yen Durano mas gustong makipag-sex scene sa kapwa babae kesa sa lalaki: 'Alam ko kasing hindi ako binabastos' | Bandera

Vivamax bombshell Yen Durano mas gustong makipag-sex scene sa kapwa babae kesa sa lalaki: ‘Alam ko kasing hindi ako binabastos’

Ervin Santiago |September 11,2023
facebook
share this

Vivamax bombshell Yen Durano mas gustong makipag-sex scene sa kapwa babae kesa sa lalaki: ‘Alam ko kasing hindi ako binabastos’

Ervin Santiago - September 11, 2023 - 07:37 AM

Vivamax bombshell Yen Durano mas gustong makipag-sex scene sa kapwa babae kesa sa lalaki: 'Alam ko kasing hindi ako binabastos'

Apple Dy at Yen Durano

ISA sa mga pinakamagandang pelikula na napanood namin sa Vivamax ay ang sex-comedy film na “Patikim-Tikim” na idinirek ng premyadong direktor na si Jose Javier Reyes.

Ito’y pinagbibidahan ng anak ni DJ Durano na si Yen Durano, Aerol Carmelo, Apple Dy, Chloe Jenna at Jaggy Lejano. May special participation din dito si Direk Joey.

In fairness, super clap ang mga manonood pagkatapos ng special screening ng pelikula na sinundan ng presscon kasama ang cast members, minus Direk Joey na nasa ibang bansa nang maganap ang event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yen Durano ♡ 🧿🪬 (@yennybooo)


Puring-puri ng mga dumalong press people ang “Patikim-tikim” lalo na si Yen na manang-mana raw sa tatay niyang si DJ Durano na isa ring magaling na character actor.

Pero ang pagkakaiba ng mag-ama, mas palaban sa hubaran at sex scenes si Yen kesa sa tatay niya. Sa past movie ng dalaga, talagang wala siyang pakundangan sa paghuhubad at pakikipag-love scene sa kanyang mga leading man.

Sa pelikula, bukod sa pakikipagchorvahan sa lalaki, meron ding lesbian love scene si Yen sa “Patikim-Tikim” at aniya, mas komportable siyang ka-love scene ang kapwa babae.

“In real life, I like women. Nagagandahan ako, naa-attract ako, but I wouldn’t really be in a relationship with one. Mas preferred ko yung girl-to-girl since mas comfy ako.

Baka Bet Mo: #Anyare: Yen Santos trending na naman matapos burahin ang Instagram posts

“Alam kong hindi ako binabastos, walang thoughts na ganoon. Kasi, aware pa rin naman ako especially with love scenes with guys. I know how guys play.

“I am just doing work but diyan ka lang. Do your job. May boundaries lang. I set my boundaries kasi I don’t want them to feel na porke’t ginagawa ko ito, puwede mo akong pag-isipan nang ganoon,” sey ni Yen.

Natanong din si Yen kung ano ang reaksyon niya kapag sinasabing kamukha niya si Nadine Lustre, “I feel okay about it. There’s nothing wrong since I know she’s a good person.

“It’s nice to be compared to someone who’s good and has purpose so I don’t give a damn. It’s nothing,” sey ni Yen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by apple dy (@appledy__)


Samantala, ang Vivamax Original Movie na “Patikim-Tikim” ay magpapakita sa atin kung gaano kahalagang piliin muna ang sarili at kung gaano kasarap sa pakiramdam ang malayang nakakapili.

Samahan si Miyo na hanapin ang kanyang the one. Matapos ang ilang taon ng paglalaro sa pakikipagrelasyon, sa wakas ay ready nang mag-settle down at magkapamilya si Miyo (Aerol Carmelo).

Naghahanap siya ngayon ng perfect partner dahil ang girlfriend niyang si April (Chloe Jenna), na kilala sa pagiging wild at liberated, ay hindi pasok sa criteria. Ang best friend at katrabaho naman ni Miyo na si Orson (Jaggy Lejano) ay pabor sa pakikipaghiwalay ni Miyo kay April.

Pero may ibang plano ang mga pagkakataon kay Miyo, dahil sa paghahanap niya ng perfect partner mula silang magtatagpo ng first love niyang si Ivy (Yen Durano).

Dahil mukhang umaayon ang mga bagay-bagay, naniniwala si Miyo na si Ivy na nga ang nakatadhana niyang mapangasawa.

Pero hindi magiging madali para sa kanya na muling mapaibig ang ex-girlfriend dahil may nagmamay-ari na ng puso ni Ivy, si Bianca (Apple Dy), isang bagay na hindi inaasahan ni Miyo o ng kahit na sino. Maging misis pa kaya ni Miyo si Ivy? O may iba pang nakalaan para sa kanya?

Ang “Patikim-tikim” ang newest offering ng Vivamax at ng award-winning at box-office director na si Jose Javier Reyes. Ito’y puno ng kaseksihan, kulit, at kuwela na may kwento tungkol sa gender roles at iba pang social issues na siguradong makakarelate ang karamihan sa mga millennials at Gen Z.

Streaming na ang “Patikim-tikim” exclusively sa Vivamax simula ngayong September 15.

Pokwang na-bad trip sa TV director, sinupalpal din si DJ Durano: Oo, sikat ako kumpara sa ‘yo! Plastik ka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vivamax sexy star Yen Durano hindi na nagpapaalam sa amang si DJ sa paghuhubo’t hubad; Joko Diaz pang-award ang akting sa ‘Litsoneras’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending