Pokwang na-bad trip sa TV director, sinupalpal din si DJ Durano: Oo, sikat ako kumpara sa 'yo! Plastik ka! Bandera

Pokwang na-bad trip sa TV director, sinupalpal din si DJ Durano: Oo, sikat ako kumpara sa ‘yo! Plastik ka!

Ervin Santiago |April 28,2022
share this

Pokwang na-bad trip sa TV director, sinupalpal din si DJ Durano: Oo, sikat ako kumpara sa ‘yo! Plastik ka!

Ervin Santiago April 28, 2022 - 04:54 PM

DJ Durano at Pokwang

“BEAST mode” na naman ang Kapuso comedienne na si Pokwang matapos mabasa ang aniya’y malisyosong Facebook post laban sa kanya ng isang TV director.

Ilang araw lang ang lumipas nang pagbantaan ng komedyana ang isang netizen na kakasuhan ito dahil sa pambu-bully sa kanyang apat na taong gulang na anak na si Malia.

Ang feeling ni Pokey, may koneksyon pa rin ito sa lantarang pagsuporta niya sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo na tumatakbong pangulo ng Pilipinas ngayong Eleksyon 2022. Mula kasi nang ibandera niya ang pagiging Kakampink ay hindi na siya tinantanan ng bashers.

At kagabi nga, April 27, muling nag-init si Pokwang matapos mabasa ang social media post ng direktor na si Rado Peru laban sa kanya.

Ibinahagi ng komedyana sa kanyang FB page ang pinagsasabi ng direktor at nagbabala pa na pwedeng-pwede raw niya itong idemanda.

Nag-ugat ang issue nang mag-tweet si Pokey nitong Martes, April 26, ng, “Katapusan nyo na mga trolls!! next naman sana tiktok at FB na nag-aalaga at nagpapalaki ng mga trolls nayan!!”

Kalakip ng kanyang Twitter post ang screenshot ng news item tungkol kay Elon Musk, ang billionaire businessman na nakabili sa Twitter sa halagang $44 billion. Mababasa sa balita na lalabanan daw ni Musk ang mga spam bot, isang device o program na ginagamit sa pagpapakalat ng mga unwanted promotional content.

Sa post ni Direk Rado, makikita ang tweet ni Pokwang with matching picture pa ng Kapuso comedienne. Aniya sa caption, “Boboto ung mga tina(t)awag nyong ‘Trolls’ sa May 9 at ipapamukha namin sa inyo kung cno ang gusto namin…at tatandaan kita kasi TROLL ang tingin mo sa akin.”

Resbak naman ni Pokwang, “Sino nakakakilala sa napaka unprofessional na direktor na ito sa GMA? Rado Peru? basahin mo mabuti tweet ko wala akong binanggit na pangalan trolls ang sinabi ko!!

“Troll kaba kaya ka triggered? pero ikaw pinagbantaan mo ako at using my picture pa talaga ano po? ihiwalay mo ang politika sa trabaho sana po diba? pwede kita idemanda po fyi!”


Sa post naman ng direktor, makikita ang comment ng aktor na si DJ Durano, “Feeling sikat sya, di naman. Sa ABS cbn lang napansin ‘yan, feeling nya Ai Ai (delas Alas) sya, ang layo maryosep.”

Ito naman ang matapang na banat sa kanya ni Pokwang, “At ikaw DJ Durano!! Woohoo Dios mio!! feeling sikat ako??? nag fi feeling Ai Ai ako???

“Hahahahaha! Unang una Oo sikat ako kumpara sayo tah ka plastik ka!!!

“Ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto nya! kapal ng mukha mo!

“Kung sino man mga friend nya dito paki paabot sa kanya ito plastik sya!!” aniya pa na ang tinutukoy ay ang namayapang direktor na si Wenn Deramas.

Matatandaang nilait-lait ng isang basher sa socmed ang anak ni Pokey. Pang-ookray nito kay Malia, “Habang lumalaki, pumapanget gaya ng nanay…sana wag mamana ugali ng nanay na panget din.”

Resbak naman sa kanya ng komedyana, “Ganon talaga aatakihin tayo ng mga palamunin na trolls nayan haha ayaw nila mag wagi ang katotohanan at kahit batang paslit idadamay.

“Waaaa pangit daw si Malia???? Haaa??e ano pa kaya itsura nila??? Bwahaha mga langib sa sugat ng bayan!o pang pelikula deba?? magandang title. Ok nurse ka pala? Noted see (you) in court bullying innocent child. Ok,” sabi pa ni Pokey.

Wala pang sagot ang direktor at si DJ Durano sa naging pahayag ni Pokwang. Bukas ang BANDERA sa paliwanag ng mga taong sangkot sa isyung ito.

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Pokwang tinulungan ni Kris noong mawalan ng trabaho sa ABS-CBN

Juliana Parizcova umalma sa blind item ni Vice tungkol sa naghihirap na troll: Never akong nanghingi sa kanya ng pera!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending