Vivamax sexy star Yen Durano hindi na nagpapaalam sa amang si DJ sa paghuhubo't hubad; Joko Diaz pang-award ang akting sa 'Litsoneras' | Bandera

Vivamax sexy star Yen Durano hindi na nagpapaalam sa amang si DJ sa paghuhubo’t hubad; Joko Diaz pang-award ang akting sa ‘Litsoneras’

Ervin Santiago |July 25,2023
facebook
share this

Vivamax sexy star Yen Durano hindi na nagpapaalam sa amang si DJ sa paghuhubo’t hubad; Joko Diaz pang-award ang akting sa ‘Litsoneras’

Ervin Santiago - July 25, 2023 - 07:33 AM

Vivamax sexy star Yen Durano hindi na nagpapaalam sa amang si DJ sa paghuhubo't hubad; Joko Diaz pang-award ang akting sa 'Litsoneras'

DJ Durano at Yen Durano

PALABAN din sa hubaran at walang kiyeme sa pakikipag-love scene ang Vivamax sexy star na si Yen Durano, ang anak ng character actor na si DJ Durano.

Finally, ilo-launch na rin si Yen sa latest offering ng Vivamax, ang sexy-drama na “Litsoneras” kung saan pinatunayan niyang may karapatan din siyang mabigyan ng puwang sa showbiz.

Napanood na namin ang “Litsoneras” sa ginanap na special screening nito sa SinePop sa Cubao, na dinaluhan ng cast members na kinabibilangan nga nina Yen, Jamilla Obispo, Joko Diaz, Victor Relosa, Elmo Elarmo, Jr., Kedebon Colim, Echo Benitez at Aerol Carmelo, mula sa direksyon ni Roman Perez Jr..

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yen Durano ♡ 🧿🪬 (@yennybooo)


Bago ito, napanood din si Yen sa “Tag-Init” ni direk Joey Reyes, “Lovely Ladies Dormitory” ni direk Mervin Brondial at sa “Baby Boy, Baby Girl” ni direk Jason Paul Laxamana.

In fairness, talagang hubad kung hubad si Yen sa “Litsoneras” lalo na sa mga  eksena niyang naliligo siya nang hubo’t hubad, idagdag pa ang mga sex scene nila ni Victor Relosa.

Sabi naman ni Yen hindi na niya kailangang ipaalam sa tatay niya ang kanyang paghuhubad dahil hindi naman porno ang ginagawa niya.

“I feel like he’s gonna be proud of me siyempre. Bilang aktor din na andito rin sa industriya na makita ang anak niya na nagli-lead na ng movie, sure ako na mapa-proud siya. Iyon din naman ang pangarap niya eh, ako na lang ang bahala!” natawang sabi pa ng dalaga.

Samantala, gusto rin naming palakpakan ang action star na si Joko Diaz dahil talagang nag-shine siya nang bonggang-bongga sa pelikula. Napakagaling niya bilang tatay ni Yen na may kapansanan.

Baka Bet Mo: Anak ni Joko Diaz sinuwerte agad sa showbiz, bibida sa urband legend na ‘Mary Cherry Chua’

Anyway, iikot ang kuwento ng “Litsoneras” sa pamilya Torres na nagmamay-ari ng litsunan sa kanilang bayan. Pero sa gitna ng kanilang tagumpay ay isang matinding iskandalo ang mangyayari.

Kung ang sobrang pagkain ng lechon ay maaaring magdulot ng atake sa puso, pwede namang makaramdam ng pighati o kirot sa puso ang sinumang kumagat sa tukso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yen Durano ♡ 🧿🪬 (@yennybooo)


Si Yen ay gumaganap bilang si Elria Torres, ang nag-iisang anak nina Minerva (Jamilla Obispo) at Eloy (Joko Diaz).  Nahuli niya ang kanyang ina na nakikipagtalik kay Jonas (Victor Relosa), na nasa 21 taong gulang lamang. Agad niyang kinompronta si Minerva at umammin naman ito na matagal na silang may relasyon ng binata.

Nakarating kay Eloy ang pagtataksil ng asawa at dahil doon ay tuluyan na niyang napabayaan ang kanilang negosyo.  Samantala, mas lalo namang nag-abuso si Jonas. Siya na ang umaastang boss sa litsunan, at pati si Elria ay gusto niyang pasunurin na parang anak.

Para paghiwalayin si Minerva at Jonas, isang nagbabagang plano ang gagawin ni Elria. Magtagumpay kaya siya? O hindi kaya matupok din siya sa apoy na siya rin ang may gawa.

Malaman ang kwento ng bawat karakter. Alamin ang rason sa likod ng kanilang mga desisyon, at ang resulta ng kanilang kahinaan at kasalanan.

Streaming na sa Vivamax ang “Litsoneras” simula July 28.

Pokwang na-bad trip sa TV director, sinupalpal din si DJ Durano: Oo, sikat ako kumpara sa ‘yo! Plastik ka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joko hindi stage father sa anak na si Ashley: Paalala ko sa kanya, makisama, be kind, always respect the senior

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending