Anak ni Joko Diaz sinuwerte agad sa showbiz, bibida sa urband legend na 'Mary Cherry Chua' | Bandera

Anak ni Joko Diaz sinuwerte agad sa showbiz, bibida sa urband legend na ‘Mary Cherry Chua’

Ervin Santiago |October 02,2022
facebook
share this

Anak ni Joko Diaz sinuwerte agad sa showbiz, bibida sa urband legend na ‘Mary Cherry Chua’

Ervin Santiago - October 02, 2022 - 08:21 AM

Anak ni Joko Diaz sinuwerte agad sa showbiz, bibida sa urband legend na 'Mary Cherry Chua'

Ashley Diaz at Joko Diaz

IN fairness, kahit bagong-bago pa lang sa mundo ng showbiz ay nabigyan agad ng launching movie ang anak ni Joko Diaz na si Ashley Diaz.

Siya ang napiling bumida sa pinakabagong suspense-horror film ng Viva Films na “Mary Cherry Chua” written and directed by Roni S. Benaid. Siya rin ang nagdirek ng  2018 horror movie na “Poon” na pinagbidahan ni Glydel Mercado.

Sa mga hindi pa masyadong aware,  base ang naturang pelikula sa sikat na Filipino urban legend tungkol sa misteryo ng pagkamatay ni Mary Cherry Chua.

Naging usap-usapan ang pangalang Mary Cherry Chua noong early 2000. Ang sabi sa kuwento, si Mary ay isang maganda at matalinong estudyante na ni-rape at pinatay ng school janitor. Sabi rin sa mga kwento na nananatili pa rin ang kaluluwa ni Mary sa school campus.

Unang na-publish ang kwento ng pagmumulto ni Mary Cherry Chua noong 2003 sa Book 2 ng “True Philippines Ghost Stories” at simula noon ay lagi nang lumalabas ang iba pang horror stories tungkol sa kanya sa mga succeeding books ng sikat na horror collection franchise.

Noong 2017 naman ay nag-publish ang Viva-Psicom ng isang pop-fiction based sa urban legend na ito.

Kaya naman aminado si Ashley na matindi ang pressure na nararamdaman niya sa pagbibida sa “Mary Cherry Chua”. Una siyang napanood sa TV series na “Di Na Muli” katambal ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na s Andre Ylanna.

Sa naganap na virtual mediacon ng “Mary Cherry Chua”, abot-langit ang pasasalamat niya sa mga bossing ng Viva Entertainment dahil sa tiwala at suportanng ibinigay sa kanya.

“I am so grateful to Viva for giving me this break, this opportunity. Excited din ako kasi I am working with my father para malalapitan ko agad siya kung kailangan ko ng tulong,” pahayag ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by Ashley Diaz (@_ashleydiaz)


Ano nga ba ang mga advice ni Joko sa kanyang anak ngayong nag-aartista na rin ito, “Konti lang kasi magaling siya at matalino. Always be professional, don’t be late on the set.

“Try to be nice to everyone at dapat intindihin mo sila kasi hindi lahat kasinggaling mo. She has to enjoy her work,” aniya pa.

Samantala, iikot ang kuwento ng pelikula sa buhay ni Mary Cherry Chua (Abby Bautista) na isang estudyante mula sa isang prestihiyosong eskwelahan noong 60s.

Isang masayahing teenager na may mahabang buhok, totoong na kay Merry Cherry Chua na ang lahat – siya ay maganda, mayaman at matalino.

Hinahangaan at kinaiinggitan ng lahat, kilala siya bilang Miss Popular sa eskwelahan. Pero ang inaakala ng marami na perpektong buhay niya ay biglang mag-iiba nang matagpuang walang buhay ang dalaga sa campus grounds matapos maging biktima ng rape at pagpatay.

Sa kasalukuyan, si Karen (Ashley Diaz), ang high school student na mahilig magbasa ng mga horror stories at urban legends, ay maiintriga sa buhay ni Mary Cherry Chua.

Bubuksan niya ulit ang kaso nito at mag-iimbestiga sa sariling niyang diskarte para maghanap ng mas matibay na ebidensiya sa krimen, at sa tulong ng mga kaibigan at kaklase ay may bagong impormasyong makukuha si Karen.

Pero sa paghahanap niya pala ng katototohanan ay para na ring pagsindi ng mitsa ng buhay niya dahil sa matutuklasan niyang maaari rin niyang ikapahamak.

Makakasama rin ni Ashley sa movie ang amang si Joko Diaz bilang si Mr. Manzano ang term paper adviser ni Karen.

Pinagbibidahan din ito ng mga young and promising stars gaya nina Kokoy se Santos na gaganap bilang Paco (duwag na research partner ni Karen), Lyca Gairanod bilang Faith (ang supportive na best friend ni Karen), Krisshia Viaje bilang Lena (protective na ate ni Karen) at Abby Bautista bilang si Mary Cherry Chua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gaganap para sa isang importanteng role si Ms. Alma Moreno. Siya si Ms. Estrella, dating guro na magbibigay ng linaw sa nangyari kay Mary Cherry Chua.

Joko hindi stage father sa anak na si Ashley: Paalala ko sa kanya, makisama, be kind, always respect the senior

Joko Diaz game na game sa pakikipag-love scene kay Ayanna Misola: Alam naman ‘yan ng misis ko

Xian Lim inirereklamo sa basketball noong bata dahil super tangkad

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending