Horror movie na 'Mary Cherry Chua' grabe ang epekto sa manonood; Joko Diaz super proud sa anak na si Ashley | Bandera

Horror movie na ‘Mary Cherry Chua’ grabe ang epekto sa manonood; Joko Diaz super proud sa anak na si Ashley

Ervin Santiago |July 20,2023
facebook
share this

Horror movie na ‘Mary Cherry Chua’ grabe ang epekto sa manonood; Joko Diaz super proud sa anak na si Ashley

Ervin Santiago - July 20, 2023 - 07:20 AM

Horror movie na 'Mary Cherry Chua' grabe ang epekto sa manonood; Joko Diaz super proud sa anak na si Ashley

Joko Diaz, Ashley Diaz, Lyca Gairanod at Roni Benaid

SURE na sure kami na isang super proud daddy ngayon ang action star na si Joko Diaz sa kanyang dalagang anak na si Ashley Diaz.

Yan ay dahil sa ipinakitang akting ni Ashley sa kanyang launching movie na “Mary Cherry Chua“, ang latest horror-suspense offering ng Viva Films na showing na ngayon sa mga sinehan.

Napanood na namin ang pelikula nitong nagdaang Martes sa ginanap na premiere night sa SM North EDSA The Block na dinaluhan ng cast members at  ilan pang celebrities.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joko Diaz (@akosijokodiaz)


Naroon siyempre ang bidang si Ashley Diaz at ang kanyang amang si Joko na kasali rin sa movie, Lyca Gairanod, Kokoy de Santos, Abby Bautista, Krissha Viaje at ang writer at direktor ng movie na si Roni S. Benaid.

Grabe! As in grabe ang experience namin habang pinanonood ang “Mary Cherry Chua”! Sigaw kung sigaw at tiling kung tili ang halos lahat ng mga nasa Cinema 3 ng SM The Block.

In fairness, isa na yata ito sa mga horror movies na talagang natakot kami na hanggang pag-uwi ay dala namin dahil baka sumama sa amin si Mary Cherry Chua! Ha-hahaha! Ganu’n katindi ang effect sa amin ng pelikula.

Actually, hindi lang basta horror at suspense ang movie, may puso rin ito dahil sa nakakalokang twist sa ending. Siyempre, hindi na muna namin ito ibabandera sa inyo para may gulat factor pa rin kapag pinanood n’yo.

At isa pa sa gusto naming i-share ay ang galing sa pag-arte ni Ashley na talaga namang may pinagmanahan dahil galing nga siya sa angkan ng mga artista. Nabigyan niya ng hustisya ang kanyang role at talagang nakipagsabayan sa husay ng tatay niya.

Baka Bet Mo: Joko Diaz game na game sa pakikipag-love scene kay Ayanna Misola: Alam naman ‘yan ng misis ko

Sa mga hindi pa masyadong pamilyar, isang sikat na Filipino urban legend ang tungkol sa misteryo ng pagkamatay ni Mary Cherry Chua.

Naging usap-usapan ang pangalang Mary Cherry Chua noong early 2000s. Ang sabi sa kuwento, si Mary ay isang maganda at matalinong estudyante na diumano ay ni-rape at pinatay ng school janitor. Sabi rin sa mga kuwento ay nananatili pa rin ang kaluluwa ni Mary sa school campus.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jigs Mayuga (@jigsmayuga)


Si Mary Cherry Chua (Abby Bautista) ay estudyante mula sa isang prestihiyosong eskwelahan noong 60s. Isang masayahing teenager na may mahabang buhok, totoong na kay Mary Cherry Chua na ang lahat – siya ay maganda, mayaman at matalino.

Hinahangaan at kinaiinggitan ng lahat, kilala siya bilang Miss Popular sa eskwelahan. Pero ang inaakala ng marami na perpektong buhay niya ay biglang mag-iiba nang matagpuang walang buhay ang dalaga sa campus grounds matapos maging biktima diumano ng rape at pagpatay.

Sa kasalukuyan, si Karen (Ashley Diaz), isang high school student na mahilig magbasa ng mga horror stories at urban legends, ay maiintriga sa buhay ni Mary Cherry Chua.

Bubuksan niya ulit ang kaso nito at mag-iimbestiga sa sariling niyang diskarte para maghanap ng mas matibay na ebidensiya sa krimen.

At sa tulong ng mga kaibigan at kaklase ay may bagong impormasyong makukuha si Karen. Pero sa paghahanap niya pala ng katototohanan ay para na ring pagsindi ng mitsa ng buhay niya dahil sa matutuklasan niyang maaari rin niyang ikapahamak.

Samantala, ibinahagi ni Ashley kung paano niya kinaya ang pressure ng pagiging lead role sa pelikula, “There will always be pressure naman sa bawat  project pero iba po talaga kasi kapag first lead mo tapos solo ka pa, pero nasa sayo naman yon kung i-take mo yung pressure positively or negatively. Eh ngayon naman  I’m taking it positively.”

“Pinaka-challenging na ginawa ko for this role ay yung nagpagupit ako, kasi halos years bago ko napahaba yung buhok ko, pero for the role I cut it short. Worth it naman,” aniya pa.

Pinagbibidahan din ito ng mga young and promising stars gaya nina Kokoy De Santos na gaganap bilang Paco (duwag na research partner ni Karen), Lyca Gairanod bilang Faith (ang supportive best friend ni Karen), Krissha Viaje bilang Lena (protective na ate ni Karen) at Abby Bautista bilang si Mary Cherry Chua.

Gaganap para sa isang importanteng role si Ms. Alma Moreno. Siya si Ms. Estrella, dating guro na magbibigay ng linaw sa nangyari kay Mary Cherry Chua.

Palabas na ngayon sa mga sinehan nationwide ang “Mary Cherry Chua” kaya watch na!

Anak ni Joko Diaz sinuwerte agad sa showbiz, bibida sa urband legend na ‘Mary Cherry Chua’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joko hindi stage father sa anak na si Ashley: Paalala ko sa kanya, makisama, be kind, always respect the senior

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending