Lyka bukas ang third eye, nakadilat pa rin tuwing naghihilamos

Lyka Gairanod bukas ang third eye, dahil sa takot nakadilat pa rin siya tuwing naghihilamos

Pauline del Rosario |July 17,2023
facebook
share this

Lyka Gairanod bukas ang third eye, dahil sa takot nakadilat pa rin siya tuwing naghihilamos

Pauline del Rosario - July 17, 2023 - 02:33 PM

Lyka Gairanod bukas ang third eye, dahil sa takot nakadilat pa rin siya tuwing naghihilamos

PHOTO: Instagram/@lycagairanod.1

ISA sa mga bibida sa upcoming horror film na pinamagatang “Mary Cherry Chua” ay ang singer na si Lyca Gairanod.

Ito ang unang horror movie ng singer na kung saan ay gaganap siya bilang bestfriend ng pinakabida na si Ashley Diaz.

Ang kwento ng pelikula ay base sa urban legend ng isang all-girl school sa Maynila na mapapanood sa lahat ng lokal na sinehan sa July 19.

At dahil usapang takutan nga ito, ibinunyag mismo ni Lyka na bukas ang kanyang “third eye” kaya madalas siyang makakita ng mga kakaibang elemento.

Nakapanayam ng entertainment website na pikapika.ph ang The Voice Kids Season 1 champion at dito niya chinika ang ilan sa mga kababalaghan na nangyari sa kanyang buhay.

“Bukas po kasi ’yong ano ko e, third eye. Nakakakita po ako simula nu’ng bata pa ako lalo na po dito sa lugar namin,” sey niya.

Kwento niya, “’Nung time na bata pa ako, gumising ako ng madaling araw. Tapos medyo inaantok-antok pa ako. Lumabas po ako tapos parang may nakikita akong babaeng lumulutang sa dagat.”

“[Kinukusot] ko po ’yong mata ko kasi baka naalimpungatan lang ako. Ang iniisip ko pa, baka habang ginaganun ko [’yong mata ko], baka tumapat sa mukha ko ’yong babae. Baka gulatin ako,” sambit niya habang natatawa.

Baka Bet Mo: Lyca Gairanod gusto ring makilala bilang aktres, first time bumida sa isang horror film

Patuloy pa niya, “Saglitan ko lang po [ni-rub ang mga mata ko] pero hindi po siya [nawala] talaga.”

Tila naka-relate din daw si Lyka sa istorya ng kanyang bagong pelikula dahil nakakaramdam din daw siya sa kanyang eskwelahan mismo.

“Sa school po pag [napapalingon ako] parang may tao na nakatingin sa’yo. Tapos pagsi-CR ka parang may nakatayo sa gilid mo,” sambit niya.

Nabanggit din ni Lyka ang hirap ng pagkakaroon ng third eye dahil kahit daw mismo sa kanyang bahay ay natatakot siya na baka may makita siyang iba.

Nakwento pa nga niya na iniiwasan niyang kumurap kaya naman kahit sa paghihilamos ay nakadilat pa rin siya.

“Kaya nga po dito sa bahay namin pag naghihilamos ako nakadilat po ’yong mata ko,” kwento niya.

Paliwanag pa niya, “Kasi super matatakutin po talaga ako. Pag naghihilamos kami ako baka pag mulat ko may makita ako.”

“Kaya pag naghihilamos ako nakadilat ang mata ko. Kahit may sabon ’yan, kahit masakit. Ganu’n po ako,” ani pa niya.

Related Chika:

Lyca Gairanod ibinandera ang non-showbiz dyowa, netizens nagbigay payo sa dalaga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

2 contestant sa Pinoy Henyo na inakusahang nandaya lumantad na: ‘Pasensya na po kung sa tingin n’yo may pandarayang naganap’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending