2 contestant sa Pinoy Henyo na inakusahang nandaya lumantad na: 'Pasensya na po kung sa tingin n'yo may pandarayang naganap' | Bandera

2 contestant sa Pinoy Henyo na inakusahang nandaya lumantad na: ‘Pasensya na po kung sa tingin n’yo may pandarayang naganap’

Ervin Santiago |February 27,2023
facebook
share this

2 contestant sa Pinoy Henyo na inakusahang nandaya lumantad na: ‘Pasensya na po kung sa tingin n’yo may pandarayang naganap’

Ervin Santiago - February 27, 2023 - 01:27 PM

2 contestant sa Pinoy Henyo na inakusahang nandaya lumantad na: 'Pasensya na po kung sa tingin n'yo may pandarayang naganap'

Lyka Alburo at Ryan Oraño

MATAPOS ma-bash nang bonggang-bongga dahil sa isyu ng pandaraya sa “Pinoy Henyo” segment ng “Eat Bulaga”, nag-sorry na ang dalawang contestants sa isyung kinasasangkutan nila.

Humingi ng paumanhin sina Ryan Oraño at Lyka Alburo matapos maakusahan na nandaya sa “Pinoy Henyo” na kitang-kita sa video na kumalat sa social media matapos ang nasabing Valentine episode ng “Eat Bulaga.”

Mapapanood sa video si Lyka na binigkas ng walang tunog ang salitang “stomach” kaya nahulaan ni Ryan. Kasunod nito, kitang-kita rin sa camera ang pagsenyas ng lalaking contestant kaya nahulaan ni Lyka ang “Abra.”

Grabe ang inabot na pangbebengga ng mga netizens sa dalawang contestants at halos isumpa na sila ng mga bashers nang dahil sa ginawa nilang pandaraya umano sa “Pinoy Henyo.”

Pahayag ng “Eat Bulaga” host na si Joey de Leon hinggil sa isyu, “Akalain ninyong itong ‘Pinoy Henyo,’ e, pasukan ng mga mandaraya? Kaya inuulit natin, totoo yan, kahit anong laro pa yan, kapag nandaya kayo, wala nang fun!

“Totoo nga yung pandaraya, may fun, fundaraya. Pero hindi dapat…no cheating,” ani Joey.

Pati ang iba pang Dabarkads ay nagsalita na rin tungkol sa kontrobersya tulad nina Ryan Agoncillo at Miles Ocampo kasabay ng paalala sa mga sumunod na contestants na huwag na huwag mandaraya.

Kagabi, lumantad na sina Ryan at Lyka sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” at nanindigan sila na hindi sila nandaya. Ayon kay Lyca, “Hindi ko po intensyon na sabihin yung word na stomach. Dala lang po ng emosyon, ng intent sa sarili kaya ganoon po nangyari.

“Pasensya na po kung sa tingin niyo may pandadaya na naganap, pero hindi ko po intensyon na mandaya. Nu’ng time na umiisyu-isyu na yon, pumapasok po ako sa school. Wala akong pake.

“Iniisip ko na lang mas kilala ko po yung sarili ko kesa mga opinyon ng mga yon kasi kahit ano naman po ang gawin, hinuhusgahan pa rin naman po tayo,” sabi pa ng contestant.

Sabi naman ni Ryan, wala silang intensyon na mandaya, “Hindi po ako aware na nasasabi ko po yung word na yon. Parang nate-tense po ako na sana masabi niya po yung pinahuhula po sa kanya.

“Then nu’ng nakita ko po yung video po na yon, nagulat ako kasi nasabi ko po pala unintentionally, kaya inihihingi po namin ng pasensya po.

“Alam po namin lahat ng pagkakamali namin kaya ready po kami na i-bear po lahat yung consequences po sa lahat ng pagkakamali po na nagawa po namin,”  sabi pa niya.

Iyak naman nang iyak ang nanay ni Ryan habang nagpapaliwanag sa isyung kinasangkutan ng anak, “Huwag silang maghusga sa anak ko dahil wala siyang kasalanan. Nabigla lang siya. Nagkamali.

“Ako rin na ina ang humihingi ng tawad sa kanila kung nagkamali yung anak ko. Aminin ko, nagkamali siya. Tao lang si Ryan,” mensahe pa niya.

“Sa mga basher, tumigil na po kayo. Marami na po ang naaapektuhan,” ang panawagan naman ni Lyka.

Joey de Leon may na-discover sa tunay na pangalan ni Maine Mendoza: Ito ang matindi…subukan n’yo!

Juday inaatake ng ‘sepanx’ sa pagbabalik ng face-to-face classes, personal na inihatid si Luna sa school

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending