Juday inaatake ng 'sepanx' sa pagbabalik ng face-to-face classes, personal na inihatid si Luna sa school Bandera

Juday inaatake ng ‘sepanx’ sa pagbabalik ng face-to-face classes, personal na inihatid si Luna sa school

Ervin Santiago |August 02,2022
share this

Juday inaatake ng ‘sepanx’ sa pagbabalik ng face-to-face classes, personal na inihatid si Luna sa school

Ervin Santiago August 02, 2022 - 05:57 PM

Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Lucho at Luna Agoncillo

INAATAKE ng “sepanx” o separation anxiety ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos ngayong nagbabalik na nga sa face-to-face classes ang kanyang mga anak.

Hindi naman masisisi si Juday at ang lahat ng nanay na nakakaramdam ng sepanx sa pagbabalik eskwelahan ng mga anak nilang nag-aaral dahil halos tatlong taon ding hindi nawalay sa kanila ang mga ito.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Juday ang ilang litrato nila ni Ryan sa loob ng sasakyan habang patungo sa school ng bunsong anak nilang si Luna.

“First day of school for our little bunny, first day for all of us after 2 1/2 years of online schooling. Nakaka sepanx ng sobra!” ang inilagay na caption ng TV host-actress.

Pero nabanggit din ni Juday na masaya siyang nakikitang muli ang mga bata na pumapasok na sa eskwelahan at nakikipag-interact sa kanilang mga kaklase tulad ng dati.

“I’m happy and excited for all the kids to be able to attend classes with a bit of normalcy. Thank you to all our hardworking teachers, for doing everything to make this happen,” sey pa ng misis ni Ryan Agoncillo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


Nag-alay din ng dasal ang award-winning actress para sa lahat ng mga estudyanteng magbabalik na sa face-to-face classes habang patuloy pa ring nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic ang bansa.

“Dear God, please bless, guide, protect and look over our children and teachers as we all move forward from this pandemic,” ang panalangin ng Kapamilya star.

Bukod nga kay Luna, ang dalawa pang anak nila ni Ryan na sina Yohan at Lucho ay inaasahang magbabalik-eskwela na rin sa darating na pasukan.

Kris Bernal inaatake ng ‘sepanx’ matapos sumabak sa ‘nakakalokang’ lock-in taping

‘Under the table’ scene nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin may 14M views na; ‘First Lady’ loyalists inaatake na ng ‘sepanx’

Marian payag na sa face-to-face classes ni Zia: Gusto kong matuto talaga siya ng totoong buhay sa labas

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending